Pages

Wednesday, March 24, 2021

Ang Iglesia Ni Cristo® 1914 Ba Ay Itinatag ni Ginoong Felix Y. Manalo Para 'Papatay' sa mga Katoliko?

Kalunus-lunos at kahindik-hindik na mababasa sa isang ministro ng INC™ 1914 na nag-uudyok at nanghihikayat na "papatay sa katoliko" dahil sa isang kaanib na nagtatalumpati bilang graduate ng PMA (Philippine Military Academy).

Una, hindi po graduate ng New Era University ang nasabing kadete para ipagpalagay na personal na bodyguard ng INC™ ang nasabing kadete. Siya po ay para PAGLILINGKOD SA BAYAN. Siya ay ginastusan ng BUWIS NG BAYAN (mula sa buwis ng bawat Pilipino na 80% nito ay mga Katoliko). 

Pangalawa, naniniwala akong hindi sinasang-ayunan ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo® ang mga saloobing katulad ng kay Ginoong Reden Ortaleza, isang ministro sa loob ng 40 taon na.  At sa pahayag ng Ka Eduardo V. Manalo sa kanyang pangangaral, sinabi niya sa kaniyang mga tagasunod na dapat "palitan ang maling pag-uugali". Hindi ba't maling pag-uugali ang pagnanais na pumatay ng tao dahil lamang sa hindi natin sila kaanib sa ating relihiyon o sekta?

Sana, bigyan ng disiplina ang ministrong ito. Kung may pagtutol siya sa mga aral ng Iglesia Katolika ay doon siya dapat magpahayag ng kanyang saloobin at hindi sa mga tagasunod nito na nag-uudyok ng dahas laban sa mga Katoliko.  

Sa ARAL siya dapat tumutol, hindi sa TAO!



No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.