Pages

Wednesday, March 24, 2021

Ang Iglesia Ni Cristo® 1914 Ba Ay Itinatag ni Ginoong Felix Y. Manalo Para 'Papatay' sa mga Katoliko?

Kalunus-lunos at kahindik-hindik na mababasa sa isang ministro ng INC™ 1914 na nag-uudyok at nanghihikayat na "papatay sa katoliko" dahil sa isang kaanib na nagtatalumpati bilang graduate ng PMA (Philippine Military Academy).

Una, hindi po graduate ng New Era University ang nasabing kadete para ipagpalagay na personal na bodyguard ng INC™ ang nasabing kadete. Siya po ay para PAGLILINGKOD SA BAYAN. Siya ay ginastusan ng BUWIS NG BAYAN (mula sa buwis ng bawat Pilipino na 80% nito ay mga Katoliko). 

Pangalawa, naniniwala akong hindi sinasang-ayunan ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo® ang mga saloobing katulad ng kay Ginoong Reden Ortaleza, isang ministro sa loob ng 40 taon na.  At sa pahayag ng Ka Eduardo V. Manalo sa kanyang pangangaral, sinabi niya sa kaniyang mga tagasunod na dapat "palitan ang maling pag-uugali". Hindi ba't maling pag-uugali ang pagnanais na pumatay ng tao dahil lamang sa hindi natin sila kaanib sa ating relihiyon o sekta?

Sana, bigyan ng disiplina ang ministrong ito. Kung may pagtutol siya sa mga aral ng Iglesia Katolika ay doon siya dapat magpahayag ng kanyang saloobin at hindi sa mga tagasunod nito na nag-uudyok ng dahas laban sa mga Katoliko.  

Sa ARAL siya dapat tumutol, hindi sa TAO!



Monday, March 22, 2021

Ang Tunay na Iglesia ay Hindi Lamang Nababatay sa Iisang Lahi kundi Ito ay Pangkalahatan (Universal - Catholic)

See eeh... I was born into a Catholic Family, grew through Cathecism to become a Communicant. 

Its easy to criticize Catholic Priests when they fall, but not many recognize the exemplary sacrifice of most of them who abandon the good things of life for their missionary work in hostile situations, places and environment. The Catholic system may not be totally perfect, but one thing has kept them going through ages, decades and generations. 

Their Priests are trained for long suffering. They still hold the torch of the Great Commission to spread the gospel to the remotest place, bringing the message of Our Lord Jesus Christ to the lowest, afflicted and less privileged persons in the society. 

Their Priests are exceptional. They do not abandon a people in war, epidemic, adversity or despondency. They commune with them. They drink their water. Eat their food. Stay in their remote areas. They commune and live with the poorest, lowly placed and down trodden in the society. 

They console the people. Answer calls to pray for their faithful at their dying moment. They stay with their flock in sickness and tribulations. They bury their dead and console their survivors, give them comfort. They visit their members in their huts, bushes and thatch houses. They Counsel them and encourage them to survive through the hardest situations. 

They share their grieve and their Burden. They speak their language And mingle with them in their culture. 

These pictures below likely from Nigeria's war ravaged northeast exemplify some of the harsh conditions most Priests undertake in pursuance of their calling into the Great Commission. The sacrifice is far reaching. 

I doff my hat for these great Men of God who do not abandon their flock in war or total displacement. God Bless Them. [Source: African Catholics Growing Together]








Saturday, March 20, 2021

Friday, March 19, 2021

Hindi Niyo Mabubuwag ang tunay na Iglesia ni Cristo ~ ang Iglesia Katolika!

KASAMA NA PO ANG VATICAN CITY SA MGA BANSA NA MAY PAGMIMISYON ANG IGLESIA NI CRISTO The Vatican City, headquarters of...


PILIT MANG SAKUPIN NGUNIT BIGO

What makes fake churches think they can tear down Christ's original Church?

Ano kaya ang tumatakbo sa isip ng mga Manalista at sa tingin nila ay kaya nilang pabagsakin ang Iglesia sa Roma sa pamamagitan ng kanilang mumunting babasahing "Pasugo"?

Sa Pilipinas nga na pinagmulan ng INC™, hanggang ngayon hindi pa rin nila natitibag ang Iglesia Katolika na ayon sa kanilang magasing Pasugo ay sa 'pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo' (Pasugo Abril 1966, p. 46). At mapa-hanggang ngayon ay tinatayang nasa 2.9% lamang sa kabuuang populasyon ng buong bansa ang kabilang sa iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo.

At sa loob ng 106 taon ng pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo®, kulelat pa rin sila.  Nanatiling BANTOG pa rin sa BUONG MUNDO ang PANANAMPALATAYA ng IGLESIA sa ROMA ~ ang IGLESIA KATOLIKO na may halos 85% kaanib sa Pilipinas. At may kabuuang bilang na 1.329 bilyon sa buong mundo.

Kung ang BATAYAN ng PAGKA-TUNAY ang ang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-ROMA, HINDI ang INC™ 1914 ang lalabas na tunay kundi ang IGLESIA KATOLIKA na 'SA PASIMULA AY SIYANG IGLESIA NI CRISTO.' (Pasugo Abril 1966, p46).  Tunay ngang NAGAGANAP ang mga salita ng Diyos mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa IGLESIA SA ROMA (1:7-8):

"Sa LAHAT NG NASA ROMA, mga mahal ng Diyos, na tinatawag na maging banal: Sumainyo ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.  Una sa lahat ako'y nagpapasalamat sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo pakundangan sa inyong lahat, SAPAGKAT ANG INYONG PANANAMPALATAYA AY BANTOG sa BUONG DAIGDIG."

INC™ SA ROMA ISANG LOKAL LAMANG

PAGTATAGUMPAY na sa kanila ang PAGKAREHISTRO ng iglesiang tatag ni Felix Manalo ~ ang Iglesia Ni Cristo® ~ sa GOBYERNO ng Italya, Israel at Greece; sa Roma  at Jerusalem noong 1996; at sa Athens noong 1997. 

Sa kasalukuyan TANGING mga PILIPINO pa rin ang halos 99.9% na BUMUBUO sa kanilang mga lokal sa ibang bansa. At bagamat LOKAL ang tawag, halos bihirang makakita ng lokal na mamamayan na umaanib sa INC™, kadalasan mga Pilipino pa rin (maituturing na mga banyaga sa ibang bansa) ang pumupuno sa kanilang mga tinatawag na 'lokal'.   Ang mga Filipino migrants o OFW (Overseas Filipino Workers) at karamihan sa kanila.  Sa kadalasan, kung may LOKAL na mamamayan man  na umanib ay  sapagkat malimit na dahilan ay ito ay nakapangasawa  ng Pilipinong kaanib sa Iglesia ni Manalo.

At ang PAGDATING (o PAGKAKAREHISTRO) ng INC™ sa Roma, Jerusalem at Greece ay HUDYAT daw ito ng PAGBABALIK ng Iglesia ni Cristo (yung tunay) sa ORIHINAL nitong PINAGMULAN. 

"Most memorable of the expansion works of the Church is the establishment of the local congregation of the Church in Rome; in Jerusalem in Israel on March 31, 1996, signifying the Church's return to its original home; and in Athens, Greece on May 10, 1997, signifying the extension of the Gentile mission." -PASUGO God's Message Special Centennial Issue, p. 11 (by Isaias T. Samson Jr. 

Local congregation without local members but foreign Filipinos! 


IGLESIA SA ROMA ang tunay na binabati ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO!

Paboritong gamiting talata ng Iglesia Ni Cristo® 1914 ay ang ROMA 16:16 sapagkat NABABANGGIT doon ang salitang 'iglesia ni Cristo": "...binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo".

Akala lamang nila ngunit HINDI po ang INC™ ni Ginoong Manalo ang TINUTUKOY sa ROMA 16:16 kundi ang IGLESIA KATOLIKA ~ ang Iglesiang NAROON na sa ROMA hanggang ngayon!

Bakit kaniyo? Sapagkat ang SULAT ni APOSTOL SAN PABLO ay PATUNGKOL sa IGLESIA sa ROMA ~ sa mga TAGA-ROMA~ HINDI sa PILIPINAS.

Ang sabi ni Apostol San Pablo (sa mga Romano), 'BINABATI  KAYO' ng 'LAHAT' ng mga 'IGLESIA NI CRISTO'. Walang tinutukoy sa Roma 16:16 na 'binabati' ang mga nasa 'pulu-pulong isla' sa 'silangan' na para sa mga INC™ ay ang Pilipinas raw ito. Walang ganon!

Kaya't bilang PAGTUGON, ang lahat ng Iglesia Katolika sa BUONG MUNDO ~ ang iglesiang tinutukoy ng Pasugo (opisyal na magasin ng INC™1914: Abril 1966, p. 46) na 'sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo' ~ ay BUMABATI lagi sa IGLESIA SA ROMA!

Ang PAGBATI NG LAHAT ng LOKAL ng INC™ ay sa Iglesia Ni Cristo® CENTRAL sa PILIPINAS!

Sa tuwing sumasapit ang ika-27 ng bawat buwan ng Hunyo ay NAGPAPADALA ng BUONG PAGBATI ang lahat ng lokal ng INC™ sa kanilang CENTRAL sa Diliman, Quezon City, Pilipinas. Ang pagbati ay ipinapaabot sa apo ni Ka Felix Y. Manalo ~ si Ginoong Eduardo V. Manalo, ang kasalukuyang Executive Minister.

At ang gobyerno naman, bilang pagkilala sa MAKASAYSAYANG PAGKAKATATAG ng IGLESIA NI CRISTO® sa Pilipinas ni Ginoong FELIX Y. MANALO, ay NAGPASA ng BATAS ukol rito.

[REPUBLIC ACT NO. 9645] AN ACT DECLARING JULY 27 OF EVERY YEAR AS A SPECIAL NATIONAL WORKING HOLIDAY IN RECOGNITION OF THE FOUNDING ANNIVERSARY OF THE IGLESIA NI CRISTO IN THE PHILIPPINES AMENDING FOR THE PURPOSE SECTION 26 CHAPTER 7 OF EXECUTIVE ORDER NO. 292 OTHERWISE KNOWN AS THE ADMINISTRATIVE CODE OF 1987, AS AMENDED

Kaya't sa mga NAGSUSURI, HINDI po si Cristo ang may-ari at nagtatag ng Iglesia Ni Cristo® na sumulpot sa Pilipinas noong 1914 kundi ito ay TATAG at PAGMAMAY-ARI ni GINOONG FELIX Y. MANALO!

At ano mang PILIT na PASUKIN at PASUKAN ng mga MALING ARAL ng TAO ang TUNAY na IGLESIANG TATAG ni CRISTO, hindi po sila mananaig! Sapagkat si CRISTO ang NANGUSA na "HINDI MANANAIG" ang HADES sa Kanyang tatag na Iglesia!



Friday, March 12, 2021

Walang Aral na Nagmumula sa Diyos na Gamit ay Kasinungalingan at Panlilinlang!


Sa search engine ng Google, parehong ginamit ng Eagle News ang mga larawan na sa akala ng isang kaanib ng INC™ 1914 ay ang KAPILYA nila sa Hamdan, UAE. Mismong ang kaanib nila ang nalinlang ng paggamit ng larawan sa Cupang na inakala nila ay siya ring kapilya nila sa Hamdan, UAE, na siya rin ang kinalat at pinahahayag ng kanilang kaanib marahil sa kanilang kapwa kaanib.






Sunday, March 7, 2021

Kung aling Iglesia ang Inuusig ay siyang Patunay na ito nga ay ang Tunay na Iglesia - Pasugo

Patunay na kung anong iglesia ang inuusig ay siyang TUNAY na Iglesia ni Cristo.

PASUGO Nobyembre 1954 “Hindi kailangang patunayan pa kung hindi tunay na Iglesia, kung ito'y kay Cristo o hindi. Ang pag-uusig na nagaganap sa INK, na siyang katuparan ng pinagpauna ng Panginoon ay siyang malinaw na katunayan na ang INK ay tunay na Iglesia at kay Cristo. Anu-ano ang mga kinathang kasinungalingan na ipinaparatang kay Jesus an nakasisirang puri! Hindi lamang nila sinasabing siya'y may demonyo, kundi pinaparatangang siya'y nauulol (Juan 15:20). Kung siya'y inusig tao man ay uusigin din. Ang pag-uusig sa Ulo at tagos hanggang sa katawan. Siya ang ulo, tayo ang mga sangkap, na siyang Iglesia."

PAPA FRANSISCO, UNANG PAPANG DUMALAW SA BAYANG SINILANGAN NI ABRAHAM ~ ANG AMA NG ATING PANANAMPALATAYA (IRAQ)

Pope Francis Arrival in Baghdad, Iraq
 
 Sunday Mass
 

 Pope Francis in Qaraqosh, Iraq
 

 Welcome in Erbil, Iraq
 

 Meeting with Bishops
 

 Inter-religious Meeting in Ur, Iraq, the birthplace of Abraham, our Father in Faith
 

 Mosul, Prayer Suffrage
 

 Pope, prayer for victims of war

Wednesday, March 3, 2021

POPE FRANCIS: APOSTOLIC JOURNEY TO IRAQ

The first visit of the Holy Father to Iraq, the homeland of our patriarch Abraham. His much-awaited journey is sure to bring consolation and hope to the many Iraqi Christians. Watch the LIVE coverage of this Apostolic journey on your Shalom World.