Pages

Saturday, September 12, 2020

IHS - Simbulo ba ng pagiging Pagano?


Ang kamangmangan ay isang katangian ng kadiliman sa kaluluwa. Paano ba tinawag na "pastor" si Ginoong Jomarie Abellana kung mismong sa kasaysayan ng IHS ay hindi niya napagtanto ang tunay na kahulugan nito?

Ayon sa 'Born-Again Christian' self proclaimed pastor na ito, ang IHS daw ay sumisimbulo sa

I- ISIS
H - HORUS
S - SETH

Sino si Isis?

Sa kaalaman ng mga sumusubaybay sa blog natin, si Isis (o Aset ot Eset) ay isa sa mga diyus-diyusan ng mga sinaunang mga Ehipsiyo (Egyptians).  Si Heliopolis ang, ang paganong pari ng mga Ehipsio ang BUMUO ng MITOLOHIYA ni Isis. Ibig sabihin, gawa-gawa o kathang isip lamang ang pag-iral ni Isis na pinaniwalaan naman nitong mangmang na self appointed pastor kuno. (Source: Wikipedia. Magbasa nang may kaalaman at hindi matulad sa mga pastor (kuno) na nangangaral ng kasinungalingan!)

Sino si Horus?

Si Horus (o kilala rin sa pangalang Hor, Har, Her o Heru) ay diyus-diyosan ng mga sinaunang mga Ehipsiyo (Egyptians). Mula sa kathang-isip na diyus-diyosang si Isis, nabuo si Horus na sinasabing anak nila ni Osiris. Si Osiris ay isang ALAMAT (myth) at pinaniniwalaang umiiral (existing) ng mga Ehipsio noong libong taon bago pa ipinanganak si Cristo (BCE). Katulad siya ng ALAMAT ni MALAKAS at ni MAGANDA na alam naman nating hindi totoo.  Kaya si Horus ay anak ng isang alamat (Osiris) at ng isang likha ng isip (Isis) kaya't hindi po siya totoong umiiral. Sa katulad nitong self-appointed pastor ay masyadong mapaniwala sa mga kasinungalingan ng mga sinaunang tao kahit sa panahon ngayon ay mas madaling saliksikin ang katotohanan sa pamamagitan ng search sa Google. Subukan kaya niyang magbasa mula sa Wikipedia at nang hindi habang buhay na mangmang!

At sino naman si Seth?

Ayon sa Alamat ni Osiris, si Seth ay tiyuhin ni Horus (kapatid ni Osiris).  Kilala rin si Seth sa pangalang Setekh, Seteh o Set.  Sa mundo ng mga sinaunang Ehipsio, si Seth ay mortal na kaaway ni Horus sapagkat siya (ayon sa alamat) ang pumatay kay Osiris na ama ni Horus na asawa ni Isis. Bagama't libong taon na itong nawala sa paniniwala ng mga Ehipsiyo, itong self-appointed pastor kuno ay naniniwala pa rin sa isang kasinungalingan ng isang alamat na gawa-gawa ng mga taong wala pang kinikilalang Diyos noong panahon.

At para hindi mananatiling mangmang, hinihikayat namin ang mga galit sa tunay na Iglesia katulad ni Ginoong Abellana na MAGSALIKSIK sa Google at nang magkaroon ng kaalaman. Sa isang katulad niyang "pastor" (kuno) may inaasahan sa kanya ang tao ~ ang MANUMPA sa KATOTOHANAN at hindi sa kasinungalinga para manlinlang ng tao! Paano na kaya iyong mga inaralan niya? Sila'y katulad din niyang maniwala sa isang kasinungalingan ng isang alamat. Kawawang mga nilalang.

Ayon sa Biblia, ang sabi ng Panginoon sa mga katulad nilang mga nagtuturo ng kabuktutan, kasinungalinga at paglilinlang ay ganito:

"Pabayaan ninyo sila: sila'y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay." -Mateo 15:14

Ano bang tunay na kahulugan ng IHS na nakikitang nakaukit sa mga Simbahan at mga kasuotan ng paring Katoliko?

Ito ay ayon sa Talasalitaan ng Collins:

[IHS] a contraction derived from the Greek word ΙΗΣΟΥΣ, Jesus, used as a symbol or monogram: later misunderstood as a Latin abbreviation I.H.S. and expanded variously as Iesus Hominum Salvator, Jesus, Savior of Men; In Hoc Signo (Vinces), in this sign ( thou shalt conquer); In Hac (Cruce) Salus, in this ( cross) salvation

Isalin natin sa Tagalog para maunawaan ito ng mga mangmang na pastor.

Ang IHS raw ay isang pinaikling salita mula sa salitang Griego ΙΗΣΟΥΣ, Hesus, ginamit bilang isang simbolo o monogram: kalaunan ay pinagkamalan bilang isang pagdadaglat sa Latin na I.H.S. at pinalawak na iba-ibang pakahulugan bilang Iesus Hominum Salvator, Jesus, Savior of Men; In Hoc Signo (Vinces), sa karatulang ito (ikaw ay magtagumpay); In Hac (Cruce) Salus, sa kaligtasang ito (krus)

At sa mapanlinlang na pastor katulad ng nasa itaas, ay binigyan niya ng IBANG KAHULUGAN (Isis, Horus, Seth) upang MASAMA ang tunay n KAHULUGAN nito ΙΗΣΟΥΣ para PALABASIN na ang mga KATOLIKO ay SUMASAMBA sa mga diyus-diyosan ng mga Ehipsio!

Kung sa kasabihang: 'we are not judged by the color of our skin but by the content of our character,'  ang aming mensahe kay Pastor Abellana Jomarie Christian ay ganito: WE ARE NOT JUDGED BY THE MERITS OF OUR OPINION BUT BY THE CONTENT OF OUR CHRISTIAN CHARACTER."

Ang sa Diyos PAGMAMAHAL ang namumutawi sa kanilang mga bibig, itong pastor na ito, ang namumutawi sa kanya ay GALIT sa KAPWA.  Kinasangkapan siya ng Diablo para MANLINLANG sa pamamagitan ng PAGSISINUNGALING at PAGTATANIM NG GALIT SA KAPWA! Ikaw iyon Ginoong Pastor!

Hinulaan na ni Cristo ang pagdating ng mga BULAANG PROPETA, ito na po ang isa sa kanila, patunay na ang tunay niyang Iglesia ay nagpapatotoo sa mga sinalita ni Cristo na narito na nga sila, mga manlilinlang na dapat itakwil.

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.