At sino ba ang tunay na PANGINOON: Ang AMA ba na siyang tanging DIYOS o si JESUS na TAO lamang sa kalagayan?
Sa mga nagninilay, nagsusuri at naguguluhan dahil sa mga salungatang aral ng mga BULAANG PROPETANG NAGSULPUTAN sa ating kapanahunan, hindi po pwedeng DALAWA ang PANGINOON at DALAWA rin ang TAGAPAGLIGTAS. Ito ay HINDI SINASANG-AYUNAN ng Biblia.
Ang sabi ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso (4:5-6) ay may IISANG PANGINOON katulad ng pagkakaroon ng IISANG PAGBIBINYAG, IISANG DIYOS at Ama nating lahat.
Ang sabi ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso (4:5-6) ay may IISANG PANGINOON katulad ng pagkakaroon ng IISANG PAGBIBINYAG, IISANG DIYOS at Ama nating lahat.
Kung sasabihin man ng mga INC™ na ang Efeso 4:6 ay siyang nagpapatunay na ang Ama 'lamang' ang Diyos ay isang malaking kahangalan sapagkat hindi ito sinasang-ayunan ng Biblia. Wala pong salitang 'lamang' rito at lalong hindi naman sinasabi rito na ang Panginoong Jesus ay hindi Diyos.
Lumilitaw sa bersikulo 6 na MAS SINASANG-AYUNAN nito ang TURO ng TUNAY na Iglesia ~ ang Iglesia Katolika "na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo" (Pasugo Abril 1966, p. 46) na ang DIYOS ay IISA (CCC 129) at hindi tatlo ayon sa binibintang ng mga unitarians (na unang sumulpot noong Enero 22, 1556 sa Poland.
Maraming talata sa Biblia ang nagpapatunay na ang Diyos Ama ay siyang tagapagligtas (2 Samuel 22:3, 2Hari 13:5, Salmo 106:21, Isaiah 19:20, Isaiah 43:3, Isaiah 43:11, Isaiah 45:15, Isaiah 45:21, Jeremias 14:8, Osea 13:4, Lukas 1:47, Jude 1:25 at marami pang iba.
Maraming talata rin sa Biblia ang nagpapatunay na ang Panginoong Jesucristo ay siyang tagapagligtas (Lukas 2:11, Juan 4:42, Gawa 5:31, Gawa 13:23, Efeso 5:23, Filipos 3:20, 1 Timoteo 1;1, 1 Timoteo 4:10, 2 Timoteo 1:10, Titus 1:13, 2 Pedro 2:20, 1 Juan 4:14, at marami pang iba.
Ibig bang sabihin ay MAY AGAWAN sa PAGLILIGTAS ng Diyos Ama at ni Jesus na tao lamang ang kalagayan (ayon sa INC™)?

Kung ang DIYOS ay IISA, hindi tatlo, gayon din namang ang PANGINOON ay IISA ~ hindi dalawa. At kung ang Diyos ay IISA, ang Panginoon ay IISA, hindi ba't ang PAGLILIGTAS ng Ama at ni Jesus ay IISA ~ hindi magkaiba at hindi nagtatalo? Kung gayon, ang pagiging DIYOS at PANGINOON ng AMA at ni JESUS ay IISA!
Sa kabuuan, ang turo ng tunay na Iglesia ~ ang Iglesia Katolika ~ ay may IISANG DIYOS, IISANG PANGINOON, IISANG BINYAG at IISANG IGLESIA na siyang dapat aniban ng lahat ng tao at ito ay ang IGLESIA KATOLIKA. Sapagkat ang PAGLILIGTAS ng IISANG Diyos ay IISA sa kanyang IISANG PAGBIBINYAG! (Efeso 4:5-6)
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.