Pages

Wednesday, February 26, 2020

Tanong sa mga INC™: Sino ba ang tagapagligtas, ang Diyos Ama o ang Taong si Cristo?

At sino ba ang tunay na PANGINOON: Ang AMA ba na siyang tanging DIYOS o si JESUS na TAO lamang sa kalagayan?


Sa mga nagninilay, nagsusuri at naguguluhan dahil sa mga salungatang aral ng mga BULAANG PROPETANG NAGSULPUTAN sa ating kapanahunan, hindi po pwedeng DALAWA ang PANGINOON at DALAWA rin ang TAGAPAGLIGTAS. Ito ay HINDI SINASANG-AYUNAN ng Biblia.

Ang sabi ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso (4:5-6) ay may IISANG PANGINOON katulad ng pagkakaroon ng IISANG PAGBIBINYAG, IISANG DIYOS at Ama nating lahat. 

Kung sasabihin man ng mga INC™ na ang Efeso 4:6 ay siyang nagpapatunay na ang Ama 'lamang' ang Diyos ay isang malaking kahangalan sapagkat hindi ito sinasang-ayunan ng Biblia. Wala pong salitang 'lamang' rito at lalong hindi naman sinasabi rito na ang Panginoong Jesus ay hindi Diyos.

Lumilitaw sa bersikulo 6 na MAS SINASANG-AYUNAN nito ang TURO ng TUNAY na Iglesia ~ ang Iglesia Katolika "na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo" (Pasugo Abril 1966, p. 46) na ang DIYOS ay IISA (CCC 129) at hindi tatlo ayon sa binibintang ng mga unitarians (na unang sumulpot  noong Enero 22, 1556 sa Poland.

Maraming talata sa Biblia ang nagpapatunay na ang Diyos Ama ay siyang tagapagligtas (2 Samuel 22:3, 2Hari 13:5, Salmo 106:21, Isaiah 19:20, Isaiah 43:3, Isaiah 43:11, Isaiah 45:15, Isaiah 45:21, Jeremias 14:8, Osea 13:4, Lukas 1:47, Jude 1:25 at marami pang iba.

Maraming talata rin sa Biblia ang nagpapatunay na ang Panginoong Jesucristo ay siyang tagapagligtas (Lukas 2:11, Juan 4:42,  Gawa 5:31, Gawa 13:23, Efeso 5:23, Filipos 3:20, 1 Timoteo 1;1, 1 Timoteo 4:10,  2 Timoteo 1:10, Titus 1:13,  2 Pedro 2:20,  1 Juan 4:14, at marami pang iba.

Ibig bang sabihin ay MAY AGAWAN sa PAGLILIGTAS ng Diyos Ama at ni Jesus na tao lamang ang kalagayan (ayon sa INC™)?

Kung ang DIYOS ay IISA, hindi tatlo, gayon din namang ang PANGINOON ay IISA ~ hindi dalawa. At kung ang Diyos ay IISA, ang Panginoon ay IISA, hindi ba't ang PAGLILIGTAS ng Ama at ni Jesus ay IISA ~ hindi magkaiba at hindi nagtatalo? Kung gayon, ang pagiging DIYOS at PANGINOON ng AMA at ni JESUS ay IISA!

Sa kabuuan, ang turo ng tunay na Iglesia ~ ang Iglesia Katolika ~ ay may IISANG DIYOS, IISANG  PANGINOON, IISANG BINYAG at IISANG IGLESIA na siyang dapat aniban ng lahat ng tao at ito ay ang IGLESIA KATOLIKA. Sapagkat ang PAGLILIGTAS ng IISANG Diyos ay IISA sa kanyang IISANG PAGBIBINYAG! (Efeso 4:5-6)

Saturday, February 22, 2020

Dr. Daniel B. Wallace: Binanatan ang Iglesia Ni Cristo® 1914 sa Pambabaluktot sa kanyang sinabi

Salamat kay kapatid na Kuya CFD...


Dahil sa walang habas na Kasinungalingan ng mga ministro ng Iglesia Ni Manalo minsan na rin pala silang binanatan ni Dr. Daniel B. Wallace dahil sa paggamit ng INC sa kanyang aklat na "Greek Grammar Beyond the Basics" sa pambabaluktot ng katotohanan. Narito ang kanyang pahayag:

"The Iglesia ni Cristo (Church of Christ) is a Filipino-based group that rejects the major tenets of the historical Christian faith. InC, in particular attempts to deny that the deity of Christ is a biblical doctrine. And although they view themselves as the only true church, they freely use several bona fide academic works to support their views -- in spite of the fact that the authors of such works would be appalled to learn of the abuse of their own writings. I was shocked to learn that InC members had used my Greek Grammar Beyond the Basics in support of their heterodox beliefs. Duane Cartujano, a Roman Catholic apologist, has investigated their views. He supplies plenty of documentation -- both quotations of the secondary literature and an exposition of the biblical text -- to refute the InC. I, for one, am glad that he has exposed this group for what it really is. His book will serve as a welcome corrective to the deceptions of the Iglesia ni Cristo. -Dr. Daniel B. Wallace, Author of Greek Grammar Beyond the Basics, Senior Professor of New Testament Studies, Dallas Theological Seminary

Maging ang salin ni George Lamsa na "Church of Christ" ay sasang-ayunan kaya ni Lamsa na ito ay ang Iglesia Ni Manalo kung sakaling nabubuhay pa siya? Malamang hindi! Kaya nga noong inilimbag ni Lamsa ang kanyang salin noong 1922 hanggang sa kanyang kamatayan ay hindi siya naimbetahan [sic] sa Iglesia Ni Manalo.

Ganun din ang Moffat bible na isinalin ni James Moffat na inilimbag noong 1924, sa kanyang salin na "far east" sasang-ayon kaya siya na ito ay propesiya para sa Pilipinas kung sakaling buhay pa siya??

:) Napakalaking advantage kapag buhay pa ang mga author kasi kapag ginamit sa KABULUKAN ang kanilang MASTERPIECE tiyak na mapapahiya itong mga MAPAGSAMANTALANG KABUTE (other term for 1800s and 1900s Man-Made churches).

#CATHOLIC