Pages

Wednesday, May 8, 2019

Hindi si Cristo ang nasa Iglesia Ni "Cristo"®?!

Photo Credit: SherLock / FBPage
Sa post ng Catholic Defender petsa Aug. 1, 2014, tinumbok na noon ang malabis na pagpupuri at pagbibigay karangalan ng Iglesia Ni Cristo® -1914 sa mga MANALO. 

Sa katunayan, sa kanilang pagpapangalan ng kanilang mga samahan, foundations at iba pang mga korporasyon ay umiikot lamang ito kay Felix Manalo at sa mga anak nito.

Halimbawa ang NEW ERA UNIVERSITY (fmr New Era College), ito ay hango sa pangalan ng Ka ERAÑO (ERA NEW) ~ anak ng nagtatag ng INC™.

Ang CIUDAD DE VICTORIA. Ang salitang 'Victoria' ay Español ng MANALO (Victory).

Ang MALIGAYA DEVELOPMENT CORP. ni Ginoong Santos ay hango sa pangalan ni FELIX (Latin) na ibig sabihin ay 'Maligaya'.

Ang FELIX Y. MANALO FOUNDATION ay para sa parangal sa nagtatag.

Ang EAGLE NEWS ay mula sa self-title ni Ginoong Felix Manalo na "IBONG MANDARAGIT"!

Ang kanilang 'Housing Project' sa Nueva Ecija na pinangalanang 'BARRIO MALIGAYA' ay hango pa rin sa pangalan ni FELIX (Latin) na ibig sabihin ay Maligaya.

Ang kanilang housing project sa Tacloban na 'SITIO NEW ERA' ay hango kay G. Eraño G. Manalo.

Ang kanilang opisyal na magasing PASUGO ay mula sa self-title ni Felix Manalo bilang 'huling sugo' raw ng Diyos .

At ang pinasikat na EVANGELICAL MISSION na may sadyang pinalaking titik na EVM ay para sa kapurihan ng kasalukuyang Executive Minister na si Eduardo V. Manalo ~ siya na TUMIWALAG sa kanyang INA, at mga KAPATID. Siya na nagpakulong sa kanyang mga kapatid. Siya na TUMAKWIL sa kanyang angkan at pamilya.

Sa 'IGLESIA NI CRISTO® 1914, WALA si Cristo sa kanila! WALA ang Diyos! Wala ang KAPURIHAN ng PANGINOON. 

Tunay ngang ito ay nararapat lamang na tawaging IGLESIA NI MANALO!

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.