Ang sabi ng mga bulaang mangangaral ng iglesiang tatag ni Ginoong Felix Manalo noong 1914 lamang, ang Diyos raw ay "walang laman at buto" (Juan 4:24). Hindi natin tututulan 'yan sapagkat totoo naman na ang Diyos na nagpakilala sa Lumang Tipan ay Espiritu, walang laman at walang buto; walang anyo at walang dugo.
Ngunit sa Bagong Tipan, ang Diyos na Espiritu ay NAGKATAWANG-TAO (Juan 1:1-4,14) at NAKAPILING NATIN (Juan 1:14) ang paghahari ng Diyos Anak , bagama't siya ay nasa anyong Diyos (Filipos 2:6) hindi niya inaring panangan kundi hinubad niya ito ay NAGWANGIS-TAO animo'y alipin at naging masunurin ~ oo masunurin hanggang kamatayan (Filipos 2:8)!
Dahil dito, Siya (si Cristo) ay dinakila ng Diyos Ama, kaya't lahat ay luluhod sa kanyang pangalan, sa langit, lupa, sa ilalim ng lupa at dadakilain siya bilang PANGINOON sa kaluwalhatian ng Diyos Ama (Filipos 2:9-12)!
Kaya't huwag na kayong padadaya sa mga bulaang mangangaral. Sila'y hindi sugo at lalong sila'y hindi tunay na Iglesia. Sapagkat ang tunay na Iglesia ay TATAG mismo ni Cristo. At kung tatag ito ni Cristo, HINDI mananaig kailan man ang kadiliman, maging ang kapangyarihan ng kasamaan.
Tandaan, tatalikod ang tao sa tunay na Iglesia ayon sa hinulaan ni Jesus pero ANG IGLESIA HINDI TATALIKOD kailanman (Mateo 28:20)! Ang mga mangangaral ng INC™ na nagsasabing "NATALIKOD NA GANAP" ang tunay na iglesiang tatag ni Cristo ay pinalalagay na si Felix Manalo ay mas may kapangyarihan kaysa kay Cristo na nagsabing HINDI TATALIKOD ang Kanyang tatag na iglesia.
Sinong paniniwalaan niyo, si Cristo o si Felix Manalo? Magsuri, magsiyasat at umanib sa tunay na Iglesiang tatag ni Cristo at hindi ng tao; Iglesiang tatag noong circa 33 AD, hindi 1914.
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.