Pages

Friday, August 31, 2018

Ang Diyos May Laman at Buto! Siya'y Nagkatawang-Tao!

Ang sabi ng mga bulaang mangangaral ng iglesiang tatag ni Ginoong Felix Manalo noong 1914 lamang, ang Diyos raw ay "walang laman at buto" (Juan 4:24).  Hindi natin tututulan 'yan sapagkat totoo naman na ang Diyos na nagpakilala sa Lumang Tipan ay Espiritu, walang laman at walang buto; walang anyo at walang dugo.



Ngunit sa Bagong Tipan, ang Diyos na Espiritu ay NAGKATAWANG-TAO (Juan 1:1-4,14) at NAKAPILING NATIN (Juan 1:14) ang paghahari ng Diyos Anak , bagama't siya ay nasa anyong Diyos (Filipos 2:6) hindi niya inaring panangan kundi hinubad niya ito ay NAGWANGIS-TAO animo'y alipin at naging masunurin ~ oo masunurin hanggang kamatayan (Filipos 2:8)!

Dahil dito, Siya (si Cristo) ay dinakila ng Diyos Ama, kaya't lahat ay luluhod sa kanyang pangalan, sa langit, lupa, sa ilalim ng lupa at dadakilain siya bilang PANGINOON sa kaluwalhatian ng Diyos Ama (Filipos 2:9-12)!


Kaya't huwag na kayong padadaya sa mga bulaang mangangaral. Sila'y hindi sugo at lalong sila'y hindi tunay na Iglesia. Sapagkat ang tunay na Iglesia ay TATAG mismo ni Cristo. At kung tatag ito ni Cristo, HINDI mananaig kailan man ang kadiliman, maging ang kapangyarihan ng kasamaan.


Tandaan, tatalikod ang tao sa tunay na Iglesia ayon sa hinulaan ni Jesus pero ANG IGLESIA HINDI TATALIKOD kailanman (Mateo 28:20)! Ang mga mangangaral ng INC™ na nagsasabing "NATALIKOD NA GANAP" ang tunay na iglesiang tatag ni Cristo ay pinalalagay na si Felix Manalo ay mas may kapangyarihan kaysa kay Cristo na nagsabing HINDI TATALIKOD ang Kanyang tatag na iglesia.


Sinong paniniwalaan niyo, si Cristo o si Felix Manalo? Magsuri, magsiyasat at umanib sa tunay na Iglesiang tatag ni Cristo at hindi ng tao; Iglesiang tatag noong circa 33 AD, hindi 1914.

Saturday, August 18, 2018

Maligayang Pag-anib sa Tunay na Iglesia ni Cristo

Welcome Home, Handog Iglesia Ni Cristo converted to the Catholic Church Ralph Navarro Gingoyan (Larawan mula kay Kapatid na Wendell)!





Thursday, August 16, 2018

WARNING: THIS BLOG WILL CONVERT YOU TO THE REAL CHURCH OF CHRIST ~ THE CATHOLIC CHURCH

Only THOSE WHO ARE TERRIBLY AFRAID OF THE TRUTH will tell it's followers NOT to read or watch non-INC™  articles on websites!

Hindi ba't sinasabihan ang mga kaanib ng INC™ - 1914 na tatag ni Felix Manalo na MAGSURI? Paano ka makapagsusuri kung hindi mo alamin kung ano ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyong paniniwala ukol kay Jesus (na TAO LAMANG ayon sa INC™-1914)  at si Felix Manalo (na ANGHEL daw)?

#TakotSaKatotohanan

Wednesday, August 15, 2018

Proclamation of the Blessed Virgin Mary's Assumption to Heaven


The Assumption of Mary into Heaven (often shortened to the Assumption) is, according to the beliefs of the Catholic Church, Eastern and Oriental Orthodoxy, as well as parts of Anglicanism, the bodily taking up of the Virgin Mary into Heaven at the end of her earthly life.

The Catholic Church teaches as dogma that the Virgin Mary "having completed the course of her earthly life, was assumed body and soul into heavenly glory". This doctrine was dogmatically defined by Pope Pius XII on 1 November 1950, in the apostolic constitution Munificentissimus Deus by exercising papal infallibility. While the Catholic Church and Eastern Orthodox Church believe in the Dormition of the Theotokos (“the Falling Asleep of the Mother of God”),  whether Mary had a physical death has not been dogmatically defined. In Munificentissimus Deus (item 39) Pope Pius XII pointed to the Book of Genesis (3:15) as scriptural support for the dogma in terms of Mary's victory over sin and death through her intimate association with “the new Adam” (Christ) as also reflected in 1 Corinthians 15:54: "then shall come to pass the saying that is written, Death is swallowed up in victory".

The New Testament contains no explicit narrative about the death or Dormition, nor of the Assumption of Mary, but several scriptural passages have been theologically interpreted to describe the ultimate fate in this and the afterworld of the Mother of Jesus (see below).

In the churches that observe it, the Assumption is a major feast day, commonly celebrated on 15 August. In many countries, the feast is also marked as a Holy Day of Obligation in the Roman Catholic Church. [Wikipedia]

Saturday, August 11, 2018

Iglesiang Makasanlibutan! Iglesiang Mapaniil!

This happened outside the town hall where a legion of INC members were waiting. Moments later, they started slamming the car window and forced to open the door to get Atty. Rosal. Thank God they managed to escape. [Video Source: Religious Espose]


In case this video would be deleted in FB...

Kaanib sa INC™ Nagbalik-loob sa Tunay na Iglesia ni Cristo ~ ang Iglesia Katolika!

Welcome Home from Handog member of Iglesia Ni Cristo® -1914 to Catholic Church
Sis. Melorjen Saavedra Quinones,
Happy Valley, Tambulig, Zamboanga del Sur.
Source: FB Kapatid na Wendell Talibong, Ssvp


PURIHIN ANG DIYOS!

Saturday, August 4, 2018

Mga Nagpapanggap na Iglesia (raw) ni Cristo!

Lahat sila umaangkin na 'TUNAY' raw na 'IGLESIA NI CRISTO' (Church of Christ) ngunit wala sa kanila ang katotohanan sapagkat TAO ang nagtatag at hindi si Cristo. Samakatuwid silang lahat nagpapanggap o di kaya'y PEKE! (photo source: Google Search)










Friday, August 3, 2018

Pagbabalik-loob ni Kapatid na Lisa Macalisang

(Source: Facebook) Mila Macalisang, 48, Brgy. Gata Diot, Clarin, Mis. Occ. Member of Iglesia Ni Cristo. She received series Doctrinal Instructions with Bro Thata Rosal

Sa tunay na Iglesiang tatag ni Cristo, mga ordinaryong manggagawa lamang ang nangangaral tungkol sa tunay na Iglesia.  Sila po, tulad ni Kapatid na Wendell Talibong, Kapatid na Thata Rosal, Kapatid na Marco Evangelista, si Tatang Larry na dati ring INC™ at  nagbalik-loob sa tunay na Iglesia ~ silang lahat ay WALANG BAYAD sa kanilang mga ginagawa. Kung tumatanggap man sila ay ito ay hindi bayad kundi isang tulong sa kanilang gastusin sa kanilang krudo at iba pang mga pangangailangan.

Kaya't pinupuri natin ang IISANG DIYOS Ama, Anak at Espiritu Santo biyayang ibinigay niya sa Santa Iglesia, mga magigiting na mga TAGAPAGTANGGOL ng PANANAMPALATAYANG KRISTIANO ~ at hindi tayo nawawalan ng pag-asa sapagkat tayo ay pinapanalangin ng mga BANAL at mga ANGHEL sa digmaang ito laban sa mga maling aral tulad ng mga nagsulputang mga relihiyon kuno sa mga huling araw.

MALIGAYANG PAGBABALIK-LOOB KAPATID NA MILA MACAKALISANG!