Pages

Saturday, May 5, 2018

Worldwide Walk to Fight Poverty ng Iglesia Ni Cristo®: Sino ngayon ang "Makasanlibutan"?


Maraming mga opisyal na terminolohiyang ginagamit ang mga Iglesia Ni Cristo® -1914 sa kanilang mga pangangaral. Halimbawa na lamang, ang PAGHATOL nila sa mga Katoliko na "MAKASANLIBUTAN". 

Ano ba ang ibig sabihin ng makasanlibutan ayon sa katuruan ng INC™?

Sa kanilang PASUGO Setyembre 1970, p.20, ganito ang pagkasabi:

“Sino ba ang nakadaya sa buong sanlibutan ayon sa itinuturo ng Banal na Kasulatan? Sa Apoc. 12:9 ay ganito ang mababasa: 'At inihagis ang malaking Ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang nakadaya sa buong sanlibutan.' Sinasabi ng Banal na Kasulatan o Biblia na si Satanas o ang Diablo ang nakadaya sa buong sanlibutan. Kaya Satanas ang Pambuong Sanlibutan. Kung ang Iglesia Katolika Romana ay pambuong sanlibutan o laganap sa buong sanlibutan kung gayon ito ang nadaya ni Satanas."

Ang sanlibutan ay kay Satanas sapagkat "dinaya" raw ito ni Satanas. At sa kanilang baluktot na lohika, kung ang Iglesia Katolika ay "LAGANAP" sa buong mundo, kung gayon "ITO [raw] ANG NADAYA" ni Satanas.

Hindi ba't ang tinutukoy sa Pahayag 12:9 ay ang NANDAYA (Satanas) at hindi ang nadaya (sanlibutan)?

Pero ang tanong natin eh: Ito bang Iglesia Ni Cristo®-1914 ay pang-lokal (Pilipinas) lamang o PANG-BUONG MUNDO?

Pasasagutin natin ang aklat ni G. Pinzon na "Ang Katotohanan Tungkol sa INC-1914".

Tanong: Ito bang Iglesia na itinaguyod nina Manalo ay para sa Pilipinas lamang o pambuong mundo at naging laganap na sa buong daigdig?

Sagot: Ang sasagot sa tanong na ito ay ang PASUGO na napalathala noong Abril 1969, at ang nababasa sa huling panakip ay ganito: (patula)

“Kung buhay ang sugo, Makikita niya na hindi nasayang;
Ang mga panahong kanyang ginugol nang siya'y mangaral;
Saka ang Iglesia'y hindi lamang dito ngayon nakatatag;
Tumawid na ito sa ibayong Pangpang nitong Pilipinas;
Pati na sa Hawaii at sa San Francisco doo'y lumaganap;
Nakatatag ngayon si Cristong pinakahahamak;
Papaano di gayon ay kalat na ngayon ang mga kapatid;
At nangakalatag sa palibut-libot ng buong daigdig."
(Hindi totoo ito, ngunit napasilat...)

Dito pa lamang sa unang puntong ito, ay nagangamote na sina Manalotos. Bakit? Sapagkat sila ang may sabi na ang Iglesiang laganap o pambuong sanlibuan ay siya ang nadaya ni Satanas na Diablo.

Pansinin: Ang kanilang Kapatid daw ay nangalatag sa palibut-libot ng buong daigdig. Kahabag-habag na nilalang ng Dios.

Tanong: Mayroon po bang ibang daigdig na kinaroroonan ng mga tao? O wala na ba sina G. Manalotes dito sa daigdig na ito?

Sagot: Narito rin sila na kasama natin sa mundo. Kung gayon kay Satanas din sila, ayon sa kanilang sinabi, na kay Satanas ang buong mundo.

Ayon, lumalabas na MAS MAKASANLIBUTAN pa nga ang Iglesia Ni Cristo®-1914 ni Felix Manalo  kaysa ang Iglesia Katolika sapagkat halos isangla na nila ang kanilang kaluluwa sa sanlibutang ito.

Tinatamasa na nila ang KAPURIHAN ng SANLIBUTAN at hindi ang kapurihan ng Diyos. Sa kanilang mga gawain, nais lamang nilang MASUNGKIT ang titulo bilang WORLD RECORD HOLDER ng GUINNESS WORLD RECORD.

An expected 358 sites around the globe in 44 countries, 33 territories and across 18 time zones will simultaneously host the multi Guinness World Record event. The first Worldwide Walk event in 2014 was recognized as the largest charity walk across multiple venues held in 24 hours. It had 519,221 participants from 129 sites across the world, situated in 16 countries. This year's Worldwide Walk to Fight Poverty is aimed to beat its own records. -PRNewswire
Sa kanilang "Worldwide Walk to Fight Poverty" hindi po kabawasan sa bilang ng mga mahihirap ang GUINNESS WORLD RECORD. Pakitang-tao lamang upang purihin sila ng SANLIBUTAN!

At hindi po maitatago sa kanilang mga kaanib ang kanilang KATUWAAN at GALAK sa nakakamit na maka-SANLIBUTANG KAPURIHAN: GUINNESS WORLD RECORD HOLDER!



Sila na nga ang laging gustong MAKASUNGKIT ng kapurihan ng SANLIBUTAN, eh, mga Katoliko pa ang hinahatulan na maka-sanlibutan at nadaya ng diablo?!

Ang Tunay na Iglesia Laganap sa Buong Mundo!

Ang pagiging LAGANAP ng TUNAY na IGLESIA sa BUONG MUNDO ay hindi po gawa-gawa lamang ng mga Katoliko. Ito IPINAGBUNYI mismo ni Apostol San Pablo sa kanyang sulat sa mga Katolikong Kristiano sa ROMA (1:7-8)

Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag upang maging banal, sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. 
Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo dahil sa inyong lahat, sapagkat ang inyong pananampalataya ay balitang-balita sa buong daigdig.
Napakasarap namang pakinggan. Na noon pa lamang sa panahon ni Apostol San Pablo ay KILALA na pala ang PANANAMPALATAYA ng mga TAGA-ROMA kay Cristo Jesus. At TAYO po ang mga SAKSI sa pananampalatayang tinutukoy ni San Pablo. Sapagkat sa buong mundo tanging ang IGLESIA KATOLIKA lamang ang BANTOG ang pananampalataya ~ THE ROMAN CATHOLIC and APOSTOLIC CHURCH OF CHRIST! Kasama na po riyan ang iba pang mga Catholic Churches na KINIKILALA ang KATANYAGAN ng ROMA kung saan matatagpuan ang THE VATICAN CITY STATE, the Seat of the Catholic Church!


At sa pamamagitan ng IGLESIA SA ROMA, ang LAHAT ng mga [TUNAY] Iglesia ni Cristo ay BUMABATI sa kanya (16:16)!

Samakatuwid, ang IGLESIANG NASA ROMA ay BANTOG, KILALA, TINAWAG SA KABANALAN at BINABATI ng lahat ng Iglesia ni Cristo!

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.