Sabi ng isang nagpakilalang 'Noah Santos' sa kanyang FB, isang kaanib ng INC™ na tatag ni Felix Manalo noong 1914:
Kung tayo po ay mapag masid sa ating mga kaibigan na katoliko ay mapapansin natin na madalas silang nag AANTANDA o ang tawag sa English ay SIGN OF THE CROSS. Malimit nila itong ginagawa kapag sila ay madarasal, mapapadaan sa kanilang simbahan,kung sila ay natatakot, o iba pa mang gawain nila, sapagkat sa kanilang paniniwala ay makatutulong ito ng malaki sa kanilang buhay at makalulugod sa Diyos.
Anu ba itong PAG AANTANDA na kanilang ginagawa? Mabuti po ay basahin natin ang aklat katoliko na may pinamagatang “Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko sa Pahina 11”
"ANG TANDA NG SANTA KRUS
"Ang paraang ginagawa sa paggamit ng Santa Krus ay dalawa: ang magantanda at ang magkrus. ANG PAGAANTANDA AY ANG PAGGAWA NG TATLONG KRUS NANGHINLALAKI NG KANYANG KANANG KAMAY; ANG UNA'Y SA NOO,... ANG TANDA NG SANTA KRUS AY SIYANG TANDA NG TAONG KATOLIKO,.." [Siya Ang Inyong Pakinggan:Ang Aral na Katoliko, Page 11]
Ang Sagot sa atin ng aklat na sinulat ng Paring si Enrique Demond, kaya isinasagawa ang PAG-AANTANDA o SIGN OF THE CROSS ay sapagkat ito ay TANDA ng taong Katoliko. At totoo naman ito dahil madali mo naman talagang makilala ang Katoliko sa Hindi Katoliko, kapag nasa sasakyan ka, pag napatapat sa Simbahan, at may nag-antanda eh alam mo na kagad na Katoliko iyon. Walang pag aalinlagan sa ikakikilala sa isang katoliko sapagkat ito ang itinuro sa kanila ng kanilang mga Pari.
Paano ang pagsasagawa ng PAG AANTANDA? Ayon narin sa aklat na ating binasa; ito ay paggawa ng tatlong krus ng hinlalaki ng KANANG KAMAY; ang una ay sa NOO.
Kaya kahit kaliwete ang taong katoliko ay kanan ang kaniyang gagamitin sa PAG AANTANDA; sapagkat ganon ang paraan na itinuro sa kanila. Unang lalapat ang Hinlalaki ng kanang kamay sa NOO. Hindi sa anu pamang bahagi ng katawan.
At dahil sa ito ay PAGAANTANDA na gamit ang KANANG KAMAY at NOO, kaya ito ay maaari nating tawagin na TANDA SA NOO at KANANG KAMAY.
Anu ang mababasa natin sa biblia tungkol sa TANDA SA NOO AT KANANG KAMAY? Ito ba ay tanda ng taong maliligtas? Ito bang tandang ito ang ibinigay para maging mga tunay na lingkod ng Diyos? Mabuti pa ay basahin natin mula sa Biblia,
Ang Tanda sa Noo at Kanang Kamay
Apocalypsis 13:16 “At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang TANDA sa kanilang KANANG KAMAY, o sa NOO;”
Ang sabi sa biblia binigyan ng TANDA sa KANANG KAMAY, o sa NOO.
Mabuti ba ang pagkakaroon ng tandang ito? Ano ba ang idududulot sa tao kung mananatiling magkakaroon o magsasagawa ng tandang ito?
Apocalypsis 14:9-11 "At ang ibang anghel, ang pangatlo ay sumusunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumamba sa hayop at sa kaniyang larawan,at tumatanggap ng TANDA SA KANIYANG NOO, O SA KANIYANG KAMAY, Ay iinom din naman siya ng alak ng kaglitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y PAHIHIRAPAN NG APOY AT ASUPRE sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: AT ANG USOK NG HIRAP NILA AY NAPAIILANGLANG MAGPAKAILAN KAILAN MAN; AT SILA'Y WALANG KAPAHINGAHAN ARAW AT GABI, sila mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan."
Ayun ang liwanag ng sinabi ng Biblia na ang mga taong nagsasagawa ng PAG-AANTANDA o SIGN OF THE CROSS ay ang mga taong mapapahamak, “PAHIHIRAPAN NG APOY AT ASUPRE sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: AT ANG USOK NG HIRAP NILA AY NAPAIILANGLANG MAGPAKAILAN KAILAN MAN; AT SILA'Y WALANG KAPAHINGAHAN ARAW AT GABI” walang hanggang kaparusahan ang saapitin. Kakila kilabot po ito mga kaibigan naming Katoliko.
Anu ang pagamin ng isang Pari na si Aniceto dela Merced? Ganito ang nakatala sa kanyang aklat na kung tawagin ay PASIOSN CANDABA, sa pahina 210.
"Ipag uutos mag quintal sa noo o canang camay sucat pagca quilalanan na sila nga, i, campong tunay nitong Anti-Cristong hunghang." [Pasion Candaba, isinulat ng Paring si Aniceto dela Merced, Page 210]
Sabi ng Pari, ang nagtataglay ng TANDANG ito ay kabilang sa mga tao na tinatawag na Anti-Cristo o kalaban ni Cristo kaya po tiyak na mapapahamak at hindi maliligtas sa Araw ng Paghuhukom.
Kaya bakit pa ito tuluyang gagawin ng ating mga kaibigang katoliko? Kapag talagang inunawa ito ng ating mga kaibigan, tiyak na titigilan na nila ang ginagawa nilang Pag AANTANDA na palatandaang ibinigay sa mga taong KATOLIKO. Hindi ito ikaliligtas bagkus ay tiyak na ikapapahamak pa.
Salamat sa artikulong ito sapagkat nabibigyan tayo ng pagkakataon na maipaliwanag sa mga naguguluhan dulot ng mga mandarayang mga mangangaral ukol sa TUNAY na aral ng TUNAY at NAG-IISANG IGLESIA NI CRISTO - ang IGLESIA KATOLIKA.
KATOLIKO LANG BA?
Kamangmangan at maling sabihin ni Ginoong Santos (ang 'Santos' ay salitang EspaƱol na ang ibig sabihin ay "Mga Banal" sa langit o mga santo sa langit na ayon sa katuruang Katolisismo ay marapat na hinihingan ng panalangin bilang pamagitan kay Cristo) na KATOLIKO LAMANG ang nag-aantanda ng Krus.
Magugulat ang mga kaanib ng INC™ sa katotohanang hindi lamang ang mga Katoliko ang nag-aantanda ng krus. Maging ang mga Anglicans, Lutherans, Methodists, at mga Presbyterians (mga Protestante) ay nag-aantanda rin ng krus. Ang mga mananampalatayang mga EASTERN ORTHRODOX ay nag-aantanda rin ng Krus bukod sa mga Katolikong Kristiano. Ayon sa Wikipedia:
When an Eastern Orthodox or Eastern Catholic bishop or priest blesses with the sign of the cross, he holds the fingers of his right hand in such a way that they form the Greek abbreviation for Jesus Christ "IC XC". ... The blessing of both priests and bishops consists of three movements, in honour of the Holy Trinity.
Ang pagkakaiba lamang ayon sa Patheos, ang mga Katoliko ay nag-aantanda ng Krus mula KALIWA papuntang KANAN. Ito ay nangangahulugan na mula sa PASAKIT (kaliwa) kay Cristo ay ang kanyang MALUWALHATING PAGKABUHAY NA MAG-ULI (kanan).
Ang mag Eastern Orthodox naman ay mula KANAN papuntang KALIWA. Ito ay nangangahulugan na ang pananampalatayang Kristianismo ay nagmula sa mga HUDYO (kanan) papunta sa mga HENTIL (kaliwa).
Sa makatuwid, kinikilala, maging ng mga HINDI KATOLIKO ang katotohanang ang PAG-ANTANDA NG KRUS ay isang BANAL na GAWAIN. Ang pag-aantanda ng Krus ay gawain ng mga KRISTIANONG naniniwala sa AMA, ANAK at BANAL NA ESPIRITU sa IISANG DIYOS (Basahin ang 21 Things We do When We Make the Sign of the Cross).
PARI BA ANG NAGTURO?
Para sa mga Hudyo, isang SUMPA ang krus.
Para sa mga Romano, isang KAHIHIYAN ang krus.
Ngunit para kay Apostol San Pablo sa kanyang Sulat sa mga taga Galacia (6:14), ang KRUS NI CRISTO ay isang bagay na DAPAT IPAGMAPURI!
“Nawa’y ‘di ako magmalaki sa anumang bagay MALIBAN SA KRUS ng ating PANGINOONG HESU CRISTO.”
Hindi man binanggit sa Biblia kung "PAPAANO" isagawa ang PAGMAMAPURI sa KRUS ng ating Panginoong Jesu Cristo malinaw na ito ay ang simulain ng PAGSINTA at PAGYAKAP ng tao sa KRUS ni JESUS na siyang kanilang maging PAGKAKAKILANLAN.
Ayon sa kasaysayan, noong UNANG SIGLO, ang mga tao ay NAG-AANTANDA na ng KRUS. Ito ay mababasa natin sa sulat ni TERTULIAN (c. 250 A.D.) ang ganito:
"In all our travels and movements, in all our coming in and going out, in putting on our shoes, at the bath, at the table, in lighting our candles, in lying down, in sitting down, whatever employment occupies us, we mark our foreheads with the sign of the cross" (De corona, 30).
Si SAN CYRYLO NG JERUSALEM (c. 386 A.D.) sa kanyang ARAL KATESISMO, sinabi niyang huwag itong ikahiya bagkos binigyan niya ito ng paliwanag (katekismo):
"Let us then not be ashamed to confess the Crucified. Be the cross our seal, made with boldness by our fingers on our brow and in everything; over the bread we eat and the cups we drink, in our comings and in our goings out; before our sleep, when we lie down and when we awake; when we are traveling, and when we are at rest" (Catecheses, 13). Gradually, the sign of the cross was incorporated in different acts of the Mass, such as the three-fold signing of the forehead, lips, and heart at the reading of the gospel or the blessing and signing of the bread and wine to be offered occurs about the ninth century.
Ang pagsulpot ng MONOPHYSITES noong ika-400 A.D., na nagtuturong si Cristo ay may iisang KALIKASAN - ang pagka-DIYOS lamang (at hindi tao) ay nagbigay layon sa mga DALIRING SUMUSIMBULO sa ating pananampalataya sa pag-antanda ng Krus.
Halimbawa: ang pagsasambit ng Ama, Anak at Banal na Espiritu, tanda ng katotohanan na ang Iisang Diyos ay may TATLONG PERSONA.
Ang HINLALAKI, HINTUTURO at GITNANG DALIRI ay sumisimbulo muli sa KAISAHAN ng TATLONG PERSONA o BANAL NA TRINIDAD.
Ang nabanggit na tatlong daliri kapag pinagdikit ay kumakatawan sa daglat-Griegong I X C (Iesus Christus Soter - Jesu-Cristong Tagapagligtas); at ang dalawang natitira pang daliri na bahagyang nakayuko ay sumisimbulo sa DALAWANG KALIKASAN ni Cristo - ang pagka-DIYOS at pagka-TAO tunay at totoo.
Sa tagubilin ni Papa Inosent III (1198-1216) ukol sa pag-aantanda ng Krus ay ganito:
"This is how it is done: from above to below, and from the right to the left, because Christ descended from the heavens to the earth, and from the Jews (right) He passed to the Gentiles (left)." While noting the custom of making the cross from the right to the left shoulder was for both the western and eastern Churches, Pope Innocent continued, "Others, however, make the sign of the cross from the left to the right, because from misery (left) we must cross over to glory (right), just as Christ crossed over from death to life, and from Hades to Paradise. [Some priests] do it this way so that they and the people will be signing themselves in the same way. You can easily verify this — picture the priest facing the people for the blessing — when we make the sign of the cross over the people, it is from left to right...."
Ano man ang pamamaraan (technicality) ng pag-aantanda ng Krus, ginagawa ito ng mga Kristiano ng may buong PAGMAMAHAL Tatlong Persona - ang Ama, Anak at Espiritu Santo na siyang SENTRO ng ating pananampalatayang Kristiano.
TANDA NG KRUS SA NOO, MASAMA?
Masama ang layunin ni Ginoong Santos nang kanyang kuning sitas ang Pahayag13:16 at 14:9-11.
Malinaw namang WALANG BINABANGGIT sa Pahayag ukol sa PAG-AANTANDA NG KRUS na siyang 'TATAK NG DIABLO'.
Sa kanyang artikulo, VERY CONVINIENT niyang pinagdugtong ang mga talata sa Biblia LABAN sa pag-aantanda ng Krus na ginagawa ng mga Katoliko.
Ito ay typical na gawain na ng mga taga-sunod ni Ginoong Felix Manalo. Nais lamang nilang LINLANGIN ang kanilang mga kaanib at mga Katolikong salat pa sa kaalaman.
Ang BINABANGGIT sa PAHAYAG13 ay HINDI PO ang PAG-AANTANDA NG KRUS ng mga KATOLIKO.
Ipinapahayag rito ni San Juan na siyang nagsulat sa kanyang pangitain na NAGHAHASIK ng KASAMAAN si Satanas LABAN sa tunay na IGLESIA sa pamamagitan ng mga EMPEROR ng Roma na NAG-UUTOS at NAGTATAKDA na SILA ANG SAMBAHIN at hindi ang Nag-iisang Diyos (Pahayag 13:4). Ang sinumang DI SUMAMBA sa EMPEROR ay makakatanggap ng kaparusahan ng KAMATAYAN.
Ngunit alam naman natin na ang mga Unang Kristiano ay MATATAPANG na PINILI ang KAMATAYAN kaysa ang SAMBAHIN ang mga EMPEROR ng Roma. Kaya't sila ay ibinibilang nating mga BAYANI o SANTO / SANTA (martir) ng pananampalatayang Katolisismo.
TANDA SA NOO, ITINURO NA NI PROFETA EZEKIEL (9:4,6)
Ayon sa aklat ni Propeta Ezekiel, BUMABA ang KALUWALHATIAN (Shekinah) ng Diyos ng Israel sa pamamagitan ng CHERUB at inutusan ang isang LALAKING NAKASUOT ng lina at SINABIHANG TATAKAN NG "X" sa NOO ang NAGHIHINAGPIS laban sa kasamaan ginagawa ng mga tao.
At inutos ng Diyos sa isa pa, LIPULIN LAHAT lalaki at babae, bata at matanda, lahat ng mga gumagawa ng karumaldumal sa harapan ng Diyos MALIBAN sa mga MAY TATAK SA KANILANG na "X" sa KANILANG NOO!
Tandaan: Ang 'X' ay literal na alpabetong Hebreo na taw!
Ano ang ITINATAK sa mga NOO ng mga Israelita upang MALIGTAS sa kapahamakan?
TAW!
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.