ILAN ANG DIYOS?
Ayon sa Katekismo ng Iglesia Katolika, IISA LAMANG ang DIYOS ('Munting Katekismo Mga Unang Bagay na Dapat Malaman ng Isang Katoliko', Daughters of St. Paul, Pasay City, p. 2), HINDI TATLO.
Ang IISANG DIYOS na ito ay isang Komunidad ng TATLONG PERSONA - ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Ito ang tinatawag ng mga Kristiano na "HOLY TRINITY" o Santisima Trinidad.
At ayon pa rin sa Katekismo ng tunay na Iglesia, ang Panginong Jesus ay DIYOS ANAK na nagkatawang-TAO. Tunay siyang DIYOS at tunay rin siyang TAO. Diyos sa kalikasan pero Tao sa kalagayan.
Dito umaapoy sa galit ang mga kaanib ng INC™ 1914 dahil sa hindi nila lubos na munawaan ang misteryo ng Santisima Trinidad.
DI MATANGGAP ng mga INC™ 1914 na tatag ni G. Felix Y. Manalo, ang aral na ito kaya't SUKDULAN ang PANG-IINSULTO nila sa pagka-DIYOS ng ating Panginoong Jesus.
HINDI lang nila BATID na ang isang MAS MALAKING INSULTONG ginawa nila sa Panginoong Jesucristo ay ang SABIHIN NILANG NATALIKOD ang TUNAY na iglesiang TATAG ni CRISTO.
Mas MAHINA ang kanilang Manunubos na 'Cristo'
Ang INSULTO ay narito sa kanilang aral na KINAKAILANGAN pa ni CRISTO ang ISANG FELIX MANALO para lamang MAGING GANAP ang kanyang PAGLILIGTAS. Hindi ba't INSULTO ito sa Panginoong Jesus? Ginawa nilang INUTIL at WALANG SAYSAY ang PAGKAMATAY niya sa KRUS para sa KALIGTASAN ng lahat.
Ibig sabihin, MAHINA ang kanilang MANUNUBOS sapagkat NAGHINTAY pa ang kanilang 'Cristo' ng ONE THOUSAND NINE HUNDRED FOURTEEN YEARS (1,914 taon) bago niya NA-REALIZE na WALA palang NALIGTAS sa kaniyang KAMATAYAN. Kinailangan pa niyang MAGHINTAY ng PAGSILANG ng isang FELIX MANALO para ITATAG (daw) muli ang kaniyang TUMALIKOD na Iglesia?!
Hindi ba't NAPAKALAKING pang-INSULTO sa kanilang "CRISTO"!?
Hindi lang siya mahinang TAONG-TAO sa kalagayan, NAPAKAHINA pa niyang MANUNUBOS sapagkat LIBONG-TAON bago niya nalaman na WALANG NALIGTAS sa kanyang pagsasakripisyo sa KRUS.
Ano ba yun, NAKATULOG ang kanilang 'Cristo' at DI NIYA NAMALAYAN na lumipas na ang panahon sa IKA-DALAWAMPUNG SIGLO bago na NAPANSIN na INEFFECTIVE pala ang kanyang pagliligtas?
Ano ba yun, NAKATULOG ang kanilang 'Cristo' at DI NIYA NAMALAYAN na lumipas na ang panahon sa IKA-DALAWAMPUNG SIGLO bago na NAPANSIN na INEFFECTIVE pala ang kanyang pagliligtas?
Kaya pala gayon na lamang ang PAGSINTA nila kay G. Felix Manalo. Tumatanaw lamang sila ng MALAKING UTANG NA LOOB kay Felix Manalo sapagkat KUNG WALA SIYA, WALANG KALIGTASAN o USELESS ang pagkamatay ni Cristo sa Krus. NATUPAD lamang ang KALIGTASAN ng Diyos (kuno) kay G. Felix Manalo.
Pero tayong nasa TUNAY NA IGLESIA ay hindi naniniwala sa ganitong kwento. Alam natin na ang mga SALITA NI CRISTO ay MAKATOTOHANAN at HINDI LILIPAS ng hindi natutupad.
Kaya't kung sabihin ni Cristo na HINDING-HINDI MANANAIG ang kapangyarihan ng HADES sa KANIYANG TATAG na IGLESIA, hindi ito mananaig. Pero ang aral ni Felix Manalo ay NATALIKOD kuno.
At alam din nating mga TUNAY na KAANIB sa TUNAY na IGLESIA na HINDI SINUNGALING si Cristo, lalabas na si FELIX MANALO ang SINUNGALING at HINDI SI CRISTO!
Pero tayong nasa TUNAY NA IGLESIA ay hindi naniniwala sa ganitong kwento. Alam natin na ang mga SALITA NI CRISTO ay MAKATOTOHANAN at HINDI LILIPAS ng hindi natutupad.
Kaya't kung sabihin ni Cristo na HINDING-HINDI MANANAIG ang kapangyarihan ng HADES sa KANIYANG TATAG na IGLESIA, hindi ito mananaig. Pero ang aral ni Felix Manalo ay NATALIKOD kuno.
At alam din nating mga TUNAY na KAANIB sa TUNAY na IGLESIA na HINDI SINUNGALING si Cristo, lalabas na si FELIX MANALO ang SINUNGALING at HINDI SI CRISTO!
Pambansang Palatandaang Pangkasaysayan na nagpapatibay na ang INC™ - 1914 ay TATAG ni G. Felix Y. Manalo |
TUNGKOL SA PAGKA-DIYOS NI CRISTO
Ayon sa mga kaanib ng INC™, malabong DIYOS si Cristo sapagkat may mga katangian daw siyang HINDI akma sa katangian ng pagka-Diyos, halimbawa:
- Namatay
- Nagutom
- Nasaktan
- Tinuli (Circumcised)
- Umiyak
Tama rin naman ang kanilang obserbasyon. Hndi rin natin ikinakaila na TAO nga si Cristo ngunit HINDI LANG SIYA TAO. Take note, SINASAMBA rin nila si CRISTO sa kabila ng kanyang PAGIGING 'TAO LAMANG'. Sa BATAS ng Diyos, TANGING ang NAG-IISANG DIYOS lamang ang DAPAT SAMBAHIN at wala nang iba. Hindi ba't sa kanilang PAGSAMBA kay CRISTO ay patunay lamang (IMPLIED) na tinatanggap nila ang pagka-DIYOS niya? Halimbawa na lamang sa mga sumusunod na mga KATANGIAN hindi pang-tao:
- Gumawa ng Himala
- Nagpagaling ng may-sakit
- Nagpatawad ng mga makasalanan
- Lumakad sa Tubig
- Lumusot sa Dingding
- Nagpakita sa maraming tao iba't ibang lugar sa parehong panahon
- Inangkin ang PAG-IRAL niya BAGO pa man si Abraham
- Nabuhay na mag-uli
- Tao sa Kalagayan ngunit Diyos ang Kalikasan ayon sa Biblia
- Inaming siya ang ALPHA at OMEGA
Bagamat PINATUTUNAYAN ng Biblia na si Cristo ay TOTOONG TAO, WALA namang nababasa sa Biblia na nagsasabing HINDI DIYOS si Cristo. Katulad na lamang ng mga sumusunod na talata.
John 1:1, 14 (RSV) In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God. . . . [14] And the Word became flesh and dwelt among us, full of grace and truth; we have beheld his glory, glory as of the only Son from the Father.
Ito ang tinatawag ng mga dalubhasa sa Biblia na 'PROOF TEXT" na malinaw na NAGSASAAD na si CRISTO ay 'ETERNAL' o WALANG HANGGAN sa paggamit ng salitang "SA PASIMULA". Hindi lamang 'yan, ang LOGOS o VERBO ay tumutukoy sa 'ANAK' na siyang NAGKATAWANG-TAO sa versikulo 14. HINDI lamang siya isang PANUKALA o PLANO ayon sa mga mangangaral ng INC™ sapagkat ang isang panukala o plano ay UMIIRAL lamang siya sa ISIPAN ng nag-iisip. Taliwas sa mga pahayag ni Cristo na SIYA ay NARON NA, hindi lang isang panukala o plano kundi siya ay UMIIRAL na, HINDI sa LAMAN kundi sa ESPIRITU: "BEFORE ABRAHAM came to be, I AM' (Jn 8:58 emphasis mine).
Siya (ang VERBO) ay NAGKAROON lamang ng LAMAN noong SIYA'Y MAGKATAWANG-TAO sa sinapupunan ng mahal na Birheng Maria. Kaya't ang Verbo = Cristo = Diyos = Nagkatawang-Tao!
John 10:30 I and the Father are one.
Sa pahayag na ito ni Cristo, maraming Hudyo ang NAGALIT sa kanya.
Bakit?
Sapagkat NAUUNAWAAN nila ang ibig sabihin ni Cristo. Kaya't sa verse 33 NAIS siyang PATAYIN ng mga Hudyo: "...ikaw na TAO, ay NAGPAPAKUNWARI kang Diyos."
Si Cristo bilang isang UPRIGHT MAN, bakit HINDI niya ITINAMA ang mga Hudyo kung MALI man ang kanilang PAGKAUNAWA? HINDI sila itinama ni Cristo sapagkat TAMA nga ang kanilang pagka-unawa.
John 20:28 Thomas answered him, “My Lord and my God!”
"Panginoong ko at DIYOS ko!"
NAGULAT daw si Tomas ayon sa mga mangangaral ng INC™. Katulad raw ito kung tayo ay nagugulat, nakaksambit raw tayo ng "DIYOS KO PO". Bakit "Diyos" ba ang kidlat o kulog kung masambit man natin ito?
Ganyan ang pagrarason ng mga bulaang mangangaral.
Sa katunayan, si Santo Tomas ay isa sa mga disipulo na WALA sa pinagtitipunan ng mga apostol noong nagpakita sa kanila ang muling nabuhay na si Jesus. Para kay Tomas, HINDI SIYA MANINIWALA hangga't makikita niya MISMO ng kanyang mga mata si Cristo. Eh NAGPAKITA nga sa kaniya si Cristo! Kaya't sambit ni Tomas ay 'PANGINOON KO AT DIYOS KO!"
Mali ba si Tomas?
Kung MALI man ang pagsambit ni Tomas na DIYOS SI CRISTO, bilang isang UPRIGHT MAN, dapat sana ay ITINAMA siya ni Cristo para hindi na darami pa ang naniniwalang siya ay Diyos. Ngunit TAMA SI TOMAS sa kanyang profession of faith kaya't nasabi ni Cristo "MAPALAD ang mga DI NANGAKAKITA ay gayon ma'y NAGSISAMPALATAYA.
Colossians 1:19 For in him all the fulness of God was pleased to dwell,
Ano mang pagnanais ng mga mangangaral ng INC™ na maliin ang talatang ito sa pamamagitan ng PAGSIPI ng ibang mga SALIN ng Biblia, mananatili ang katotohanan na ang ANAK (Jesus) ang tinutukoy rito (versikulo 13); ang ANAK at tinutukoy na WALANG-HANGGAN o eternal (versikulo 15, 17-18); ang ANAK ang tinutukoy na TAGAPAGLALANG (versikulo 16); at ang ANAK ang siyang NAG-UUGNAY NA PAGKAISAHIN LAHAT ng PRINSIPYO sa KALAWAKAN (versikulo 17, pakitingnan rin ang Heb 1:3): LAHAT ng KATANGIANG TUNAY lamang sa DIYOS. Hindi maaaring MAGKAMALI ang Apostol San Pablo rito sa versikulong nakasulat sa ibaba:
Colossians 2:9 For in him the whole fulness of deity dwells bodily,
[Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang BUONG KAPUSPUSAN NG PAGKA-DIYOS sa KAHAYAGAN ayon sa LAMAN (tao)...]
At ang isa sa pinaka-paboritong talata ng mga mangangaral na INC™ ukol sa pagka-PANGINOON ni Cristo...
IISANG DIYOS - DALAWANG PANGINOONG SINASAMBA?
TWO-LORDS DOCTRINE ng INC™ AY HINDI SINASANG-AYUNAN NG BIBLIA. |
May aral ang INC™ na hindi matatagpuan sa Biblia: ang DALAWANG PANGINOONG SINASAMBA.
Mula sa panahon ni Amang si Abraham hanggang sa panahon ni Cristo, HINDI NAGBAGO ang ARAL na kanilang ITINUTURO: ang KAISAHAN ng DIYOS o ang IISANG DIYOS.
At ayon sa mga PROPETA noong una hanggang sa panahon sa KASALUKUYAN hindi nagbabago ang katuruan: IISA ANG DIYOS.
At kung IISA ang DIYOS, dapat lamang na IISA rin ang SAMBAHIN! Ngunit bakit DALAWA ang SINASAMBA ng mga INC™?
Ang sagot nila rito ay FILIPOS 2:9-11 na ganito ang nakasulat:
"Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama."
[Because of this, God greatly exalted him and bestowed on him the name that is above every name, that at the name of Jesus every knee should bend, of those in heaven and on earth and under the earth, and every tongue confess that Jesus Christ is Lord, to the glory of God the Father.]
Napansin niyo ba ang umpisa ng pangungusap? KAYA SIYA NAMAN... o sa wikang Ingles ay BECAUSE OF THIS...
Ibig sabihin MAY DAHILAN kung bakit DINAKILA ng DIYOS AMA ang PANGALAN ni JESUS na SIYA ay PANGINOON din.
Mayroon silang PINUTOL na verse! Ito ay ang VERSE 6-8.
BAKIT kaya HINDI SINAMA ang VERSES 6-8 ng FILIPOS 2? Suriin natin...
"Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus."
[Who, though he was in the form of God, did not regard equality with God something to be grasped. Rather, he emptied himself, taking the form of a slave, coming in human likeness; and found human in appearance, he humbled himself, becoming obedient to death, even death on a cross."]
AYON PALA! Iniiwasang banggitin ng mga mangangaral na INC™ ang mga talata ng 6-8 sapagkat MALINAW na SINASABI ni Apostol San Pablo na "BAGAMAT SI CRISTO AY NASA ANYONG DIYOS!"
Nasa ANYONG DIYOS, ay HINDI inaring kapantay niya ang Diyos kundi NAGPAKABABA --- naging TAO.
Naging MASUNURIN sa nais ng Diyos Ama!
Hindi lang basta masunurin, HANGGANG KAMATAYAN siya'y naging masunurin!
Hindi lang sa kamatayan siya naging masunurin kundi KAHIYA-HIYANG URI ng kamatayan -- ang IPAKO siya sa KRUS na kahalintulad ng mga KRIMINAL o mga MAMAMATAY-TAO!
VERSE 9 naman tayo...
KAYA NGA NAMAN SIYA PINADAKILA NG DIYOS...
BECAUSE OF THIS, GOD HIGHLY EXULTED HIM...
KABUUAN ng talatang ito: Dinakila ng DIYOS AMA si JESUS sapagkat SIYA, na DIYOS NANG UMIIRAL MAGPASAWALANG-HANGGAN ay nagpakababa, NAGING TAO - nagkatawang-tao katulad natin at NAGING MASUNURIN hanggang sa kamatayan sa Krus... DAHIL DITO SIYA ay DINAKILA ng DIYOS AMA...
Kaya po huwag tayong quote-quote lamang nga mga CHOP-CHOP verses para LINLANGIN ang ating mga mambabasa. Sapagkat MALAKING KASALANAN sa Diyos ang GAMITIN ang KANYANG SALITA upang MANDAYA at MAGSINUNGALING.
Tandaan, ang PANDARAYA at PAGSISINUNGALING ay HINDI katangian ng IISANG DIYOS. Ito ay KATANGIAN ng DIABLO na ama ng PANDARAYA! (Jn 8:44)
Magsuri po tayo sa KATOTOHANAN. Dito po tayo sa TUNAY NA IGLESIANG TATAG NI CRISTO at hindi tatag ng makasalanang tao lamang mula sa Tipaz. Manalangin, mag-nilay, at gumawa ng hakbang upang masumpungan ang KATOTOHANAN.
Pagpalain nawa tayo ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, IISANG DIYOS ngayon at magpasawalang-hanggan.
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.