Pages

Friday, December 23, 2016

'ANG DIWA NG PASKO AY KAPAYAPAAN.' -Pasugo Disyembre 1957

TANONG: Tanong ng isang estudyante: Ano ang ginagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® - 1914 sa tuwing sumasapit ang Pasko? Nakikinig rin kaya sila ng mga awitin sa FM Radio Station?

SAGOT: Una, hindi po natin ito masasagot ng tahasan sapagkat HINDI po ito page ng INC™ na tatag ni Felix Manalo noong 1914 kundi ito ay blog na nagpapakilala sa TUNAY na IGLESIANG TATAG ni CRISTO noong Unang Siglo pa.

Pangalawa, sa kanilang 102 taon nag pag-iral, may mga pagkakataong sila rin mismo ay tahimik na nagdiriwang ng Pasko sa kani-kanilang mga tahanan. 

Bagamat't tahasan nilang inaayawan ang Pasko, ngunit sila'y nahuhuli rin sa kanilang opisyal na magasin na naglalathala ng pagsang-ayon sa Diwa ng Kapaskuhan - ang Kapanganakan ng Manunubos na Diyos at Panginoong Jesu-Cristo.


Sa maraming pagkakataon, ang mga kaanib ng INC™  ay nagdiriwang din naman ng Pasko, hindi nga lang opisyal. Sila po ay tumatanggap ng Christmas Bonus; sila po ay may Christmas Break; at sila po ay tumatanggap ng Christmas Gift. Ano pa't sasabihin nilang di sila nagdiriwang ng Pasko.


Maging Katoliko man o hindi, ang Pasko ay PARA SA LAHAT. Wala pong itinatangi ang Diwa ng Kapaskuhan. Kaya't sa Pilipinas, mula Setyembre 1, nagpapatugtog na ng awiting Pamasko ang mga FM Stations at nagkakaroon na ng Christmas Countdown sa ABS-CBN at GMA7 at di maaaring hindi ito alintana sa mga hindi-Katoliko.


Ayon sa isang lathala ng PASUGO ay ganito:

“Ang diwa ng Pasko ay kapayapaan;
Nang mundong naglunoy sa lusak ng Buhay;
Mabuting balita sa kinalulugdan;
Pagsilang ni Jesus sa abang sabsaban."
(Sipi mula sa Pasugo Disyemre 1957, pahina 28; Ni Emiliano I. Agustin)


Tunay nga na ang DIWA NG PASKO AY KAPAYAPAAN. Na ang mensahe ng kapanganakan ng DIYOS na NAGING TAO ay KALIGTASAN mula sa mundong naglunoy.  

Dumatal na ang PAGLILIGTAS NG DIYOS NA NAPARITO SA LAMAN, tayo nawa'y biyayaan ng kapayapaan, kagalingan, katiwasayan at higit sa lahat PAGKAKAISA tulad ng Diyos Ama ay kaisa ng Diyos Anak at ng Diyos Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

MALIGAYANG PASKO SA LAHAT NG KAANIB SA TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO - ANG IGLESIA KATOLIKA!

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.