Pages

Sunday, September 25, 2016

NATALIKOD NA GANAP (DAW) ANG UNANG IGLESIA: ANG PALIWANAG NG MGA NAG-AANGKIN NITO

Wala sa Biblia ang hulang MATATALIKOD ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO. Lalo na ang GANAP NA PAGKATALIKOD daw nito!  

Ayon pa kay Cristo ay HINDING HINDI MAGAGAPI ang kanyang TATAG NA IGLESIA ng kahit PINTUAN man ng HADES (Mat. 16:16-18). At nangako pa si Cristo na "MANANATILI AKO SA INYO HANGGANG SA KATAPUSAN" ng mundo (Mat. 28:20). Wala ring nakasulat sa kasaysayan ng mundo na "NATALIKOD NA GANAP" ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo.

Ayon pa nga po sa isang paksa sa kanilang PASUGO Mayo 1968, p. 5, eh ganito ang nakasulat na hindi na nila maaaring burahin kailanman:

"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."

At heto pa ang sinabi ng PASUGO Hunyo 1940, p. 27:

"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."

Ang ginawa raw ng UNANG IGLESIA (ang Iglesia Katolika) ay NANATILI SA ARAL NG DIYOS at ito raw po ang DAPAT GAWIN ng bawat kaanib ng sumulpot na INC™-1914.

At ang pinaka-NAKAKALUNGKOT na katotohanan ay ang sabihin nila sa kanilang PASUGO, Abril 1966, p. 46, ang ganito:

“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."

HANGGANG SA KASALUKUYAN (taong 1966), UMIIRAL PA PALA ang TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO -- ang IGLESIA KATOLIKA sapagkat HINDI raw GINAWA ng diablo ang BIGLAANG PAGTALIKOD sa IGLESIANG ITINAYO NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO -- ang IGLESIA KATOLIKA!

Kung may TUMALIKOD ay HINDI ang IGLESIANG TATAG NI CRISTO kundi ang TAO! Ito rin ang PAG-AMIN ng isang kaanib ng INC™ sa social media.


Ayon sa isang FB Group na Ipangaral ang Evangelio sa Lahat ng Kinapal na gawa ng INC™-1914, pilit nilang ipinaliwanag ang KATHANG-ISIP na ito upang palabasing SINUNGALING at MANLILINLANG si CRISTO at si Felix Manalo ang may taglay ng bagong katotohanan! Pero alam natin na hindi sinungaling at mandaraya ang ating Panginoong Jesus kundi ang diablo na kinasangkapan si Felix Manalo. (Basahin ang nasa ibaba ng may tamang pag-papasya).

Ang Pagtalikod at Muling Paglitaw ng Iglesia ni Cristo (ayon sa INC™-1914)
ANG PAGTALIKOD NG UNANG IGLESIA NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO AT ANG MULING PAGLITAW NG IGLESIA NI CRISTO

Lubos ang aming pananampalataya na ang paglitaw at pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas ay ang katuparan ng mga hula na nakasulat sa Biblia tungkol sa muling pagbangon ng Iglesia ni Cristo. Saan ba sa Biblia ating matatagpuan ang hula tungkol sa muling pagbangon at paglitaw ng Iglesia ni Cristo? Sino ba ang kinatuparan nito? at kung bakit kailangan pang muling ibangon?

ANG PAUNANG PAHAYAG NG PANGINOONG JESUS TUNGKOL SA KANIYANG "IBANG MGA TUPA"

Nalalaman ng Panginoong Jesus na magkakaroon ng pagtalikod sa Iglesia ni Cristo ng unang siglo. Siya rin mismo ang nagpahayag nito. Dahil dito, hinulaan ng Panginoong Jesus ang tungkol sa muling paglitaw ng kaniyang Iglesia. At ito ay kaniyang ipinangako, ang muling pagtatatag ng Iglesia ni Cristo.

Sa Juan 10:16, nagbigay ng paunang pahayag ang Panginoong Jesus tungkol sa kaniyang "ibang mga tupa" na magiging "ISANG KAWAN":

Juan 10:16 "At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor."

Ang mga tupa ng binabanggit ng Panginoong Jesus ay hindi literal na hayop o Tupa, ang mga ito ay mga tao na hinalintulad lamang niya sa tupa:

Ezekiel 34:31 "At kayong mga tupa ko, na mga tupa sa aking pastulan ay mga tao, at ako'y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios."

Sabi ng Panginoong Jesus, "at mayroon akong ibang mga tupa". Bakit tinawag niya sila na kaniyang "ibang mga tupa"? sapagkat sinabi din ng Panginoong Jesus "na hindi sa kulungang ito". Ano ba ang pinangako ng Panginoong Jesus sa kaniyang "ibang mga tupa"? Sinabi din niya, "sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor."


Ano ba ang ibig ipakahulugan ng Panginoong Jesus ng sabihin niya na ang kaniyang ibang mga tupa "na hindi sa kulungang ito" subalit kaniyang dadalhin din naman sila at gagawin din niya sila na isang kawan? May mga pagkakataon sa Biblia na ang salitang "KAWAN" ay ginagamit upang tumukoy sa Iglesia ni Cristo:

Acts 20:28 “Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the Church of Christ which he has purchased with his blood.” Lamsa Translation

Sa Filipino:

Gawa 20:28 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”

Kaya, ng sabihin ng Panginoong Jesus na "ang ibang mga tupa na hindi sa kulungang ito" (na ang "kulungan" na tinutukoy ay ang "kawan"), ang ibig niyang ipakahulugan ay "HINDI SA IGLESIANG ITO" o "hindi sa Iglesia ni Cristo noong unang siglo". Nang sabihin ng Panginoong Jesus na sila'y kaniyang dadalhin din naman at sila'y magiging isang kawan, ibig ipakahulugan ng Panginoong Jesus na ang kaniyang ibang mga tupa ay gagawin ding "Iglesia ni Cristo."

BAKIT KAILANGAN PANG ITATAG MULI ANG IGLESIA NI CRISTO

Bakit nabanggit ng Panginoong Jesus na siya ay mayroong "ibang mga tupa" na kaniyang pinangakuan na sila ay kaniyang dadalhin at sila'y magiging isang kawan o sila ay gagawin ding Iglesia ni Cristo? Sapagkat ang Iglesia ni Cristo noong unang siglo ay matatalikod o "will be apostatized".

Ang APOSTASY ay katotohanan na nasa Biblia. Ipinahayag mismo ng Panginoong Jesus na ang "APOSTASY" o ang pagtalikod ay magananap sa unang Iglesia ni Cristo ng unang siglo. Ganito ang kaniyang sinabi:

Mateo 24:9-11 "Sa mga panahong iyon, kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, at isasakdal upang pahirapan at patayin.
Maraming tatalikod sa kanilang pananampalataya at mapopoot sa isa’t isa. Ipagkakanulo ng isa’t isa ang kanyang kapwa.
Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw nila ang marami." Magandang Balita

Hindi lamang hinulaan ng Panginoong Jesus na ang unang Iglesia ni Cristo ng unang siglo ay isasakdal upang pahirapan at upang patayin (kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, at isasakdal upang pahirapan at patayin.) kundi hinulaan din niya ang PAGTALIKOD (apostasy) AY MAGAGANAP (maraming tatalikod sa kanilang pananampalataya).

Kung ang unang bahagi ng hula na ipinahayag ng Panginoong Jesus sa Mateo 24:9-11 na ang unang Iglesia ni Cristo ng unang siglo ay isasakdal upang pahirapan at patayin ay naganap, kung gayon, kami ay nakatitiyak na ang ikalawang bahagi ng hula ng Panginoong Jesus na nagpapahayag na maraming tatalikod sa kanilang pananampalataya (ang unang Iglesia ni Cristo ng unang siglo ay natalikod) ay naganap din.

Kaya, hinulaan ng Panginoong Jesus sa katunayan na "sa panahong iyon (ang pag-uusig sa unang Iglesia) MARAMING TATALIKOD SA KANILANG PANANAMPALATAYA". Nang sabihin ng Panginoong Jesus na, "maraming tatalikod sa kanilang pananampalataya" ang ibig niyang ipakahulugan na "ang pagtalikod (apostasy) ay magaganap sa unang Iglesia ni Cristo ng unang siglo."

Hindi lamang ang Panginoong Jesus ang nagpatotoo sa mga katotohanang ito ng Biblia, maging ang kaniyang mga apostol. Ganito ang sulat ni apostol Pablo:

1 Timothy 4:1,3 "Now the Spirit speaketh expressly, that in the latter times some shall depart from the faith, giving heed to seducing spirits, and doctrines of devils;
Forbidding to marry, and commanding to abstain from meats, which God hath created to be received with thanksgiving of them which believe and know the truth." King James Version

sa Filipino:

1 Timoteo 4:1,3 "Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan."

Binabala ni Apostol Pablo na "ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonyo . . NA IPINAGBABAWAL ANG PAGAASAWA (FORBIDING TO MARRY) at IPINAGUUTOS NA LUMAYO SA MGA LAMANGKATI o KARNE (COMMANDING TO ABSTAIN FROM MEATS)". Ang katuparan ng pagtalikod sa pananampalataya o ang pagtalikod (apostasy) na magaganap ay ang "IGLESIA KATOLIKA". Ang Iglesiang ito ay IPINAGBAWAL sa mga PARI ang MAG-ASAWA (Clerical Celebacy):

“Although celibacy is not expressly enforced by our Savior, it is, however, commended so strongly by Himself and His apostles, both by word and example, that the Church felt it her duty to lay it down as a law.
"The discipline of the Church has been exerted from the beginning in prohibiting Priests to marry after their ordination." (Gibbons, James cardinal. The Faith of our Fathers. New York: P.J. Kennedy and Sons, 1917, p. 328)

"Ang disiplina ng Iglesia(katolika)ay ipinatupad buhat pa sa pasimula,sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga Sacerdote(pari) na mag-asawa pagkatapos na sila'y maordena." (Ang Pananampalataya ng ating mga Ninuno, p.396)

Ang pagbabawal ng pagkain ng lamangkati o obstinensiya sa karne sa mga araw na bawal ay masusumpungan din sa Iglesia Katolika:

"What does the second commandment of the Church order us to do?
"It orders us to.fast and abstain from flesh meat on certain days of the year." (A Seminary Professor. Manual of Christian Doctrine: Comprising Dogma, Moral, and Worship. New York: Lassale Bureau, 1949, p. 317)

"Sa ikalawang utos ay ipinaguutos ng Santa Iglesia sa atin na magayuno at huwag kumain ng anomang lamangkati o karne sa mga araw ng ipinagbabawal niya." (Siya Ang Inyong Pakinggan: Aral na Katoliko, P.139)

Nang ang Iglesia ni Cristo noong unang siglo ay tumalikod sa pananampalataya at sumunod sa maling mga aral (mga aral na hindi itinuro ng Panginoong Jesus at ng kaniyang mga apostol, at hindi nakasulat sa Biblia) tulad ng PAGBABAWAL SA PAGAASAWA at PAGLAYO SA MGA KARNE, ito ay naging IGLESIA KATOLIKA. Ito ang dahilan kung bakit Iglesia katolika ang kinagisnan nating relihiyon ngayon.

Sa Iglesia Katolika masusumpungan ang pagbabawal sa pag-aasawa. Ang aral na ito na isa sa mga aral ng demonio ay ipinatutupad sa mga paring katoliko.Sila ay pinagbawalang magsipag-asawa. Maging ang pagbabawal ng pagkain ng lamangkati o obstinensiya sa karne ay ating nasumpungan sa Iglesia Katolika. Pinatutunayan lamang ng mga katotohanang ito na ang Iglesia Katolika ay ang bunga ng pagtalikod sa pananampalataya ng unang Iglesia ni Cristo noong unang siglo. Ang relihiyong ito ay hindi siyang itinatag ng ating Panginoong Jesucristo kundi siyang naging bunga ng pagtalikod sa unang Iglesia ni Cristo.

Kaugnay sa hula ng Panginoong Jesus na mga tatalikod sa pananampalataya at sa pahayag ni apostol pablo na ang mga tatalikod sa pananampalataya ay susunod sa aral ng demonio, ganito ang binabala n Panginoong Jesus sa unang Iglesia ni Cristo noong unang siglo:

Mateo 24:11,4 "At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.
At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman."

Ibinabala ng Panginoong Jesus na "mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman" sapagkat hinulaan din niya na "magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami". Samakatuwid, ang mga bulaang propeta na ito ang siyang magtatalikod sa unang Iglesia ni Cristo noong unang siglo. Paano ipinakilala ng Panginoong Jesus ang mga bulaang propeta na magtatalikod sa unang Iglesia.

Mateo 7:15 "Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila."

Kung gayon, may pagkakakilanlan sa mga bulaang propeta na magtatalikod sa unang Iglesia. Makikilala sila sa kanilang pananamit. ayon kay Cristo,ay magdaramit tupa. Ano ang kahulugan ng magdaramit tupa? Sino ang tinutukoy na tupa na ang pananamit ay tutularan ng mga bulaang Propeta?

Juan 1:29 "Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito, ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!"

Ang CORDERO ay salitang kastila na sa Ingles ay LAMB na sa tagalog ay TUPA. Ang Panginoong Jesus ang tinutukoy na Tupa. Samakatuwid, ang TUPA na tinutukoy na ang pananamit ay tutularan ng mga bulaang Propeta ay ang Panginoong Jesus. Ang pananamit ng Panginoong Jesus ang tutularan ng mga bulaang propeta. Ang katuparan ay ang sagot mula sa isang aklat katoliko, ganito ang ating matutunghayan:

"ANG PANANAMIT NG PARENG NAGMIMISA.
"Ang pareng gayak sa pagmimisa ay nakakatulad ni Jesukristo noong umakyat sa bundok ng kalvario."
(Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, p.195)

Ang mga bulaang propeta na ang pananamit ay natutulad sa ating Panginoong Jesucristo ay ang mga PARING KATOLIKO na sila ang magtatalikod sa unang Iglesia. Ating natitiyak na ang mga bulaang propeta na magtatalikod sa unang Iglesia na magtuturo ng aral ng mga demonio, ay ang mga PARING KATOLIKO.

Hindi lamang ang Panginoong Jesus ang nagpapatotoo tungkol sa mga bulaang propeta na hinalintulad sa mga LOBO, maging si apostol Pablo ay nagbigay babala sa mga gagawin ng mga LOBO o mga bulaang propeta sa unang Iglesia. Ano ang ginawa ng mga bulaang propeta sa mga hindi sumunod sa ginawa nilang pagtalikod, kung kaya ganap na hindi natin nagisnan ang Iglesia ni Cristo?

Gawa 20:29 "Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan;"

Ito ay may kaugnayan sa ibinigay na hula ng Panginoong Jesus sa Mateo 24:9-11 na ito ang kahulugan ng sinabi ni Apostol Pablo na hindi mngagpapatawad ang mga mga ganid na lobo sa unang kawan:

Mateo 24:9 "Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan."

Hindi lamang maililigaw ang marami kundi ang iba ay papatayin. Ang tinutukoy na mga lobo na magiging kasangkapan sa lubusang pagtalikod ng Iglesia ay mga pinuno:

Ezekiel 22:27 "Your leaders are like wolves that tear their prey into pieces. They murder and destroy people to make excessive profits." God's Word

sa Filipino:

Ezekiel 22:27 "Ang iyong mga PINUNO ay tulad ng mga LOBO na nilalapa ang kanilang mga biktima paunti-unti. Pinapatay at nililipol nila ang mga tao upang magkaroon ng labis na pakinabang"

Samakatuwid, hindi lamang ang mga bulaang propeta hinalintulad sa mga LOBO maging ang mga PINUNO na tumutukoy sa mga masasamang HARI AT EMPERADOR na "nilalapa ang kanilang mga biktima". Gaya ng ibinabala ni Apostol Pablo, ang Iglesia ay sinalakay ng mga “lobo” na sumila at hindi nagpatawad sa kawan. Dapat nating alalahanin na ang ipinakikilala ng Biblia na mga lobong maninila ay hindi lamang ang mga bulaang propeta o mga tagapagturong Katoliko kundi maging ang masasamang pinuno na umusig sa Iglesia. Ang mga ito ay naging kasangkapan din sa pagpatay sa mga alagad ni Cristo na nanindigan sa tunay na pananampalataya at nanghawak sa mga dalisay na aral ng Diyos.

Ang katuparang nito ay hindi nawaglit sa mga tala ng kasaysayan:

"..ang Iglesia ay nagtatag ng isang tanging hukuman, ang Ingkisisyon Papa o Pangsanlibutang Ingkisisyon. Ang mahahalagang bahagi ng pamamaraan nito ay itinakda ng isang kalipunan ng mga batas na kapuwa pinagpatibay ni Papa Lucio III at Emperador Barbossa noong 1184. Ang mga maliliit na detalye ay idinagdag noong 1230. Ang
gayong mga hukuman ng katarungang pang-espiritu ay itinatag sa mga dakong lubos na hinawahan ng mga maling aral... Itinuturing din ng bansa ang erehiya bilang isang kasalanan, sapagkat pinapaghihina nito ang mga saligan ng pangmadlang kagalingan. Ang parusa na itinakda ng mga batas panlupa ukol sa erehiya ay kamatayan sa apoy. Ang
mga ito ay hindi kailanman ipinataw ng pansimbahang hukom. ('The Modern World', p.344)

Walang alinlangan na nagpapatay ng mga di nila kapanampalataya ang Iglesia Katolika. Pinatutunayan ito ng kasay-sayan. Inamin ba ng mga paring Katoliko ang sinasabi ng kasaysayan na ang Iglesia Katolika ay nagpapatay?

Inaamin ito ng Iglesia Katolika at kanilang kinilala ang pananagutan na pagpapatay sa mga hindi sumang-ayon sa kanilang paniniwala. Ganito naman ang ating mababasa :

'' Ang unang batas ng kasaysayan, pahayag ni Papa Leo XII, tulad ng aming binanggit nang nakaraan, ay upang magpahayag nang walang kasinungalingan at upang huwag magkaroon ng takot sa pagsasabi ng katotohanan. Bilang pagsang-ayon sa matalinong simulaing iyan , tahasan naming kinikilala ang pananagutan ng mga papa sa paggamit ng pagpapahirap at sa pagsunog
sa libulibong mga erehe sa tulos. Ang pag papahintulot nila sa ganyang malupit at makahayop na mga pamamaraan ay hindi maitatatuwang isa sa
pinakamaitim na mga batik sa talaan ng Banal na Tanggapan at mananatili hanggang wakas na isang dahilan ng pagkutya at kahihiyan sa kapapahan. Kahit tapatang aminin, na siya namang nararapat, na ang kanilang mga layunin ay mabuti at ang kanilang pagsusumakit ay para sa kapakanan ng Kaluluwa ng biktima, hayaang manatiling pananinindiganan na ang malupit at di makataong pamamaraan na ginamit ay hindi mapasusubalian.
(The Modern World, p.49)

"Ang Iglesia(Katolika)ay hindi makaiiwas sa pananagutan ukol sa paggamit ng pagpapahirap ni sa pagsunog ng mga biktima sa tulos. Ang Iglesia sa katauhan ng kaniyang mga pontipise ang nananagot sa paggamit ng pagpapahirap; ang malupit na gawaing ito ay pinasimulan ni Inocencio IV noong 1252 ...
Pinasisikapan ng pontipise na ipagtanggol ang paggamit ng pagpapahirap sa pamamagitan ng pagtuturing sa mga erehe bilang mga magnanakaw at mamama- tay-tao, paghahalintulad lamang ang kanyang tanging batayan.Ang batas na ito ni Inocencio IV ay muling pinairal at pinatibay ni Alejandro IV noong ika-30 ng Nobyembre,1259, at Clemente IV noong ika-3 ng Nobyembre,1265. Ni hindi makaiiwas ang Iglesia (katolika)sa pananagutan ukol sa pagpapasunog ng mga erehe sa tulos hanggang sa mamatay . Ang pagkukunwari lamang na ibigay ang biktima sa kapangyarihang sekular ay hindi makapaglilingid sa katotohanang ang mga papa ay paulit-ulit na nagpilit sa ilalim ng pagbabantang pagtitiwalag at pagbabawal sa mga pinuno, na igawad ang kaparusahang kamatayan sa mga erehe." (The Modern World, p.47)

Malinaw po. .at hayag na hayag na sa kanila nga natupad ang buong pangyayari kung bakit ang unang IGLESIA NI CRISTO ay nawala at natalikod. Narito pa ang ilang mga katuparan gaya ng isinasaad sa Halley’s Bible Handbook, sinulat ni Henry H. Halley sa mga pahina 761-762, sa pagkakasalin sa Pilipino:

“Domitan (96 A.D.). Itinatag ni Domitian ang pag-uusig sa mga Cristiano. Maikli ngunit lubhang malupit.

“Trajan (98-117 A.D.). Ang Cristianismo ay ipinalagay na isang ilegal na relihiyon, … Ang mga Cristiano ay hindi ipinaghahanap, ngunit kapag napagbintangan ay pinarurusahan.

“Marcus Aurelius ( 161-180). Pinasigla niya ang pag-uusig sa mga Cristiano. Ito ay malupit at mabangis ang pinakamabagsik simula kay Nero. Libu-libo ang pinugutan ng ulo o kaya’y itinapon sa mababangis na hayop…

“Septimus Severus (193-211). Ang pag-uusig na ito ay totoong napakalupit,…

“Decius (249-251). Buong tatag na pinasiyahang lipulin ang Cristianismo.

“Valerian (253-260). Mas mabangis kay Decius; tinangka niya ang lubos na pagwasak sa Cristianismo. Maraming lider ang pinatay…

“Diocletian (284-305). Ang huling pag-uusig ng Imperyo, at siyang pinakamalupit; …ang mga Cristiano ay pinaghahanap sa mga kuweba at gubat; sila ay sinunog, itinapon sa mga mababangis na hayop, pinagpapatay sa pamamagitan ng mga pagpapahirap bunga ng kalupitan.”

Mapapansin natin na halos kaalinsabay ng pagpasok ng mga maling doktrina sa Iglesia ay dinanas ng mga alagad ang bagsik ng pag-uusig na ginawa ng mga emperador Romano – pag-uusig na hindi lamang naging sanhi upang matakot ang mahina sa pananampalataya at tanggapin ang maling aral, kundi pumatay sa nanindigan sa dalisay na ebanghelyo. Sa madilim na bahaging ito ng kasaysayan ng Iglesia ay dapat nating mabatid na hindi lamang ang lumupig sa Iglesia ay ang masasamang pinuno ng pamahalaan kundi ang mismong kapapahan:

“Leo I (A.D 440-461)…, tinawag ng ilang mananalaysay na Unang Papa…Ipinahayag ang kanyang sarili na Panginoon ng Buong Iglesia; itinaguyod ang Natatanging Pangkalahatang Kapapahan; sinabi na ang pagtutol sa kaniyang kapangyarihan ay Tiyak na Pagtungo sa Impiyerno; itinaguyod ang Parusang Kamatayan ukol sa erehiya.” (Halley’s Bible Handbook, p. 770)

Hindi kataka-taka na tawagin din ng mga Apostol na mga “LOBO” ang mga bulaang propeta hindi lamang dahil sa naging daan sila ng pagpasok ng mga maling doktrina sa Iglesia kundi sila mismo ang sumalakay at hindi nagpatawad sa kawan.

Kaya, gaya ng paunang pahayag ni Cristo at ng mga Apostol, ang Iglesia ni Cristo na nagsimula noon unang siglo sa Jerusalem bilang isang organisasyon na nagtataguyod ng mga dalisay na aral ng Diyos, pagkamatay ng mga Apostol, ay unti-unting bumaling sa mga maling aral at tinalikuran ang kaniyang pananampalataya.

Ano pa ang pinagpauna ng Biblia ang ukol sa mga bulaang propeta na siyang nagtalikod sa unang Iglesia ni Cristo noong unang siglo? tunghayan natin ang pinahayag ng Biblia kung paano natin makikilala ang mga bulaang propetang nagtalikod sa Iglesia?

2 Tesalomica 2:3-4 "Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan,
Na sumasalangsang at nagmamataas laban sa lahat na tinatawag na Dios o sinasamba; ano pa't siya'y nauupo sa templo ng Dios, na siya'y nagtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Dios."

Ayon kay Apostol Pablo, ang taong makasalanan na mangunguna sa pagtaliwakas o pagtalikod sa pananampalataya ay magmamataas, sasalangsang, at magtatanyag sa kaniyang sarili na tulad sa Diyos. Paano gagawin ng mga bulaang Propeta ang pakikitulad o pakikipantay sa Diyos? Alin utos ng Diyos ang sasalangsangin ng mga bulaang propeta sa layuning makitulad sa Diyos?

Mateo 23:9 "At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit."

Ipinagbawal ng Panginoong Jesucristo na tawaging ama(na tulad ng pagiging ama ng Diyos na nasa langit) ang sinumang tao sa lupa. Lalong malaking kasalanan kung ang isang tao ay magpatawag ng ama na tulad ng pagiging. Ama ng Diyos na nasa langit. Ito ang pakikitulad o pakikipantay sa Diyos. Ano ang uri ng pagka-ama ng Diyos na siyang tinularan ng mga bulaang propeta?
Ang Diyos ay ama ng Kaluluwa sapagkat Sa Kaniya nagmula ang lahat ng mga kaluluwa kaya Siya ay tinatawag na Ama ng kaluluwa.

Ezekiel 18:4 "Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay."

Samakatuwid, masamang tawaging Ama ng kaluluwa ang sinumang tao sa lupa. Sinumang magpatawag nang gayon ay nakikipantay sa Diyos. Sino nga ba ang nagpatawag na Ama ng kaluluwa? Sa isang Aklat katoliko ay ganito ang kanilang pag amin :

"At ang Santo Papa(Ama) ay ang pinakamataas na ama ng ating kaluluwa dito sa lupa, dahil sa siya ang kahalili nang ating Panginoon. "At dahil sa ang mga sacerdote(Pari) ang nagbibigay sa atin ng buhay ng ating kaluluwa, sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga sacramento , sila man ay tinatawag na 'Ama ng kaluluwa'." (Ang Iglesia ni Kristo at Iba't ibang SektangProtestante, p.26)

Ang mga papa at mga paring Katoliko ay napatatawag na mga ama ng kalu-luwa. Kaya nga ang tawag sa kanila ng mga Katoliko ay Padre(sa Kastila) o Father(sa Ingles), kapuwa katumbas ng salitang ama. Samakatuwid, sa pamamagitan ng pagpapatawag na mga ama ng kaluluwa ay nakikitulad o nakikipantay ang mga Papa at mga paring Katoliko sa Diyos. Ito ay isang malaking kalapastanganan sa tunay na Diyos.

Paano naman makilala ang mga naitalikod o nailigaw ng mga paring Katoliko na siyang mga bulaang Propeta? Bibigyan nila ng tanda ang mga nadaya nila. Ano ang tanda na ibinigay sa mga itinalikod ng Iglesia Katolika? Ang mga nailigaw o naitalikod ay bibigyan ng tanda sa noo at kanang kamay:

Apocalipsis 13:16 "At ang lahat, maliliit at malalaki, at mayayaman at mga dukha, at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay, o sa noo;"

Alin ang tanda sa Noo at Kanang Kamay na ibinigay ng mga pari sa kanilang mga tagasunod? Ganito ang pagtuturo ng isang aklat katoliko:

"ANG TANDA NG SANTA KRUS
"Ang paraang ginagawa sa paggamit ng Santa Krus ay dalawa:ang magantanda at ang magkrus. Ang pagaantanda ay ang paggawa ng tatlong Krus nanghinlalaki ng kanyang kamay;ang una'y sa noo, ang ikalawa ay sa bibig,.. Ang tanda ng Santa Krus ay siyang tanda ng taong Katoliko,.." (Siya Ang Inyong Pakinggan:Ang Aral na Katoliko, p.11)

Ang tanda sa noo at kanang kamay na tinutukoy sa Biblia ay siyang tanda ng Santa Krus kung tawagin naman ng mga Katoliko. Paano ang pag-aantanda ng Santa Krus? Ito ay sa pamamagitan ng kanang kamay na ang una ay ginagawa sa noo. Kaya tinatawag na tanda sa noo at kanang kamay.

Ano ang tanda sa noo at kanang kamay? Ano uring tanda ang tandang ito? Ayon na rin sa mga pari? mula pa rin sa kanilang aklat, ganito ang kanilang kasagutan sa ating katanungan:

"Ipag uutos mag quintal sa noo o canang camay sucat pagca quilalanan na sila nga, i, campong tunay nitong Anti-Cristong hunghang." (Pasion Candaba, p.210)

Sa aklat na ito ay inamin ng mga pari na ang tanda ng Santa Krus na siyang tanda sa noo at kanang kamay ay tandang ikakilala sa anti-Cristo o kalaban ni Cristo. Nangangahulugan lamang na ang mga taong Katoliko na binigyan ng tanda ng Santa Krus ay hindi na sa Diyos kundi kalaban na sila sapagkat sila ang mga nadaya ng mga pari o bulaang propeta. Ano ang sasapitin ng mga taong may tanda sa Noo at Kanang Kamay, Ayon sa Biblia ?

Apocalipsis 14:9-11 "At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo, o sa kaniyang kamay,
Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero:
At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan."

Ang mga binigyan ng tanda ng Santa Krus ang tiniyak ng Biblia na parurusahan sa apoy sa araw ng Pahuhukom. Kaya,dapat nang tigilan ang pag-aantanda ng tinatawag na Santa Krus. Natupad sa Iglesia Katolika ang hula ng Biblia na siyang magtatalikod sa unang Iglesia ni Cristo noong unang siglo. Ito ang dahilan kung bakit hindi ang tunay na Iglesia ni Cristo ang kinagisnan nating relihiyon kundi ang Iglesia Katolika.

Kaya, ang Panginoong Jesus mismo ang nagbigay ng babala sa kaniyang mga alagad na ang pagtalikod sa pananampalataya (APOSTASY) ay magaganap. Sapagkat ang unang Iglesia ni Cristo ay MATATALIKOD, sinabi ng Panginoong Jesucristo, "mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor."

Kaya, ang Juan 10:16 ay katunayan ng pangako ng Panginoong Jesus tungkol sa muling pagtataguyod ng Iglesia ni Cristo. Ito ang kaniyang hula o paunang pahayag na ang "Iglesia ni Cristo" ay muling maitatatag sa pamamagitan ng kaniyang "ibang mga tupa".

ANG IBANG MGA TUPA NI CRISTO

Ang ibang mga tupa na binanggit ng Panginoong Jesus sa kaniyang hula ay ang ikatlong pulutong o grupo ng mga tao na bumubuo sa Iglesiang itinatag ng Panginoong Jesucristo. Sa Gawa 2:39 ganito ang pahayag ni Apostol Pedro:

Gawa 2:39 "Sapagka't sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya."

Ayon kay Apostol Pedro, ang pangako ay: (1) "sa inyo" (2) "sa inyong mga anak" at (3) "sa lahat ng nangasa malayo". Ito ang mga tatlong pulutong o grupo ng mga tao na bumubuo sa Iglesiang itinatag ng Panginoong Jesucristo.

Ang UNA at ang PANGALAWANG grupo ay NATAWAG na sa Iglesia noong unang siglo, at ang PANGATLONG grupo ay tatawagin pa lang ng Diyos. Ang unang grupo na binanggit ni Apostol Pedro ay ang mga JUDIO:

Gawa 2:36,39 "Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.
Sapagka't sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya."

Ang pangalawang grupo naman na binanggit din ni Apostol Pedro ay ang mga Gentil:

1 Corinto 4:15 "Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio."

Bagaman na ang banggit ni Apostol Pedro ay "sa inyong mga anak", hindi ang mga literal na mga anak ng Judio ang tinutukoy niya, sapagkat sa Gawa 2:36 at 38 sinabi niya, "Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel . . Sapagka't sa inyo ang pangako" Ang tinutukoy ni Apostol Pedro ay ang mga Gentil na kaanib ng Iglesia na "MGA ANAK" ng mga Judio "SA PAMAMAGITAN NG EVANGELIO". Sinabi nga ni Apostol Pablo na "ipinanganak ko kayo (tumutukoy sa mg Gentil na kaanib ng Iglesia) sa pamamagitan ng evangelio".

Sa katunayan, ang unang Iglesia ni Cristo noong unang siglo ay binubuo ng mga Judio at mga Gentil:

Roma 9:24 "Tayo ang tinutukoy na tinawag niya hindi lamang mula sa mga Judio kundi mula rin sa mga Hentil." Magandang Balita

Kaya, ang mga natawag at bumubuo sa unang Iglesia ni Cristo noong unang siglo na tinutukoy ni Apostol Pedro sa Gawa 2:39 ay ang mga Judio at ang mga Gentil.

Gayon pa man, ayon sa paunang pahayag ni Apostol Pedro, na may mga tao na "nangasa malayo" na tatawagin pa lang ng Diyos. Sila yaong mga tao na binanggit din ng Panginoong Jesus sa Juan 10:16 na kaniyang ibang mga tupa "na hindi sa kulungang ito".

Dahil ang pagtalikod (apostasy) sa unang Iglesia ni Cristo noong unang siglo ay magaganap, ipinangako ng Panginoong Jesus na mayroon siyang "ibang mga tupa" na hindi sa KAWAN na tinatag ng Panginoong Jesus noong unang siglo (ang unang Iglesia ni Cristo noong unang siglo). kaniyang dadalhin din naman sila at gagawin silang isang kawan (Iglesia ni Cristo). Kaya, nang sabihin ng Panginoong Jesus na,"mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor" ang tinutukoy niya ay ang muling pagtatatag ng Iglesia ni Cristo.

ANG DAKO KUNG SAAN MULING ITATATAG ANG IGLESIA NI CRISTO

Ayon kay Apostol Pedro, ang "ibang mga tupa" ng Panginoong Jesucristo ay magmumula sa "malayong" dako:

Gawa 2:39 "Sapagkat ang pangako’y para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo—sa bawat tatawagin ng Panginoong Diyos." Magandang Balita

Saan itong "malayong" dako na binabanggit sa hula ni Apostol Pedro na pagmumulan ng "ibang mga tupa" ng Panginoong Jesucristo? Ang hulang ito ay may kaugnayan sa hula sa Isaias 43:5-6, ganito ang ating mababasa:

Isaiah 43:5-6 "Fear not: for I am with thee: I will bring thy seed from the east, and gather thee from the west;
I will say to the north, Give up; and to the south, Keep not back: bring my sons from far, and my daughters from the ends of the earth;" King James Version

sa Filipino:

Isaiah 43:5-6 "Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;
Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa mga wakas ng lupa;"

Kinikilala rin ng Diyos na Kanyang mga anak itong mga tupa ni Cristo na nasa malayo na noong panahon Niya rito sa lupa ay wala pa sa kulungan(o sa iglesiang itinatag ni Cristo noong unang siglo). Sila ay nasa SILANGAN na MALAYO o MALAYONG SILANGAN (FAR EAST), ganito ang ating mababasa sa salin ni Ginoong James Moffats:

Isaiah 43:5 "From the far east will I bring your offspring, and from the far west I will gather you." Moffat's Translation

sa Filipino:

Isaias 43:5 "Mula sa malayong silangan dadalhin Ko ang inyong Lahi, at mula sa malayong kanluran ay titipunin ko kayo."

Ang MALAYO na dako na pagmumulan ng "ibang mga tupa" ng Panginoong Jesus ay ang MALAYONG SILANGAN o FAR EAST na binanggit sa hula ng aklat ni Isaias. Ang katuparn ng hula na ito ng Biblia ay ang paglitaw ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas. Ang dako kung saan ang Pilipinas ay matatagpuan ay sa MALAYONG SILANGAN o FAR EAST, ganito ang patotoo ng aklat kasaysayan:

“The Philippines were Spain’s share of the first colonizing movement in the Far East.” (Boak, Arthur E. R., Slosson, Preston, and Anderson, Howard R. World History. Madison United Dtates Armed ForcesInstitute, 1942, p. 445)

sa Filipino:

"Ang Pilipinas ay naging bahagi ng Espanya sa unang kilusan sa pananakop sa Malayong Silangan."

Kaya, ang "ibang mga tupa" ng Panginoong Jesus na hinulaan sa pamamagitan ng Biblia ay lilitaw sa malayong silangan. Ang katuparan ng hulang ito sa Biblia ay ang paglitaw ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas.

ANG PANAHON KUNG KAILAN ANG MULING PAGLITAW NG IGLESIA NI CRISTO

Ang panahon ng paglitaw ng "ibang mga tupa" ng Panginoong Jesus sa malayong silangan ay nabanggit din maging sa hula ni propeta Isaias:

Isaiah 43:5-6 "Fear not: for I am with thee: I will bring thy seed from the east, and gather thee from the west;
I will say to the north, Give up; and to the south, Keep not back: bring my sons from far, and my daughters from the ends of the earth;" King James Version

sa Filipino:

Isaiah 43:5-6 "Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;
Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa mga wakas ng lupa;"

Kinikilala ng Diyos ang "ibang mga tupa" ng Panginoong Jesus na kaniyang "mga anak na lalake at mga anak na babae" na mula sa malayong silangan. Nabanggit din sa hula ang panahon ng paglitaw ng "ibang mga tupa" ng Panginoong Jesus sa Malayong Silangan - sa panahon na tinatawag na "mga wakas ng lupa".

Iba ang panahon na tinatawag na "wakas ng lupa" (end of the world) sa "mga wakas ng lupa" (ends of the world). Ang panahon na tinatawag na "wakas ng lupa (end of the world), ito ay ang "katapusan ng mundo" o ang "araw ng paghuhukom":

Mateo 24:3 "Nasa Bundok ng mga Olibo si Jesus. Samantalang siya’y nakaupo roon, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad: “Kailan po ba mangyayari ang mga bagay na ito? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?" Magandang Balita

Ang "wakas ng lupa" ay ang "ikalawang pagparito" ng Panginoong Jesus. Gayon pa man, ang "mga wakas ng lupa" ay ang panahon na ang "ikalawang pagparito" ng Panginoong Jesus ay nalalapit na:

Mateo 24:3,33 "Nasa Bundok ng mga Olibo si Jesus. Samantalang siya’y nakaupo roon, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad: “Kailan po ba mangyayari ang mga bagay na ito? Ano po ang magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng katapusan ng mundo?
Gayon din naman, kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na ang panahon ng pagparito niya—magsisimula na." Magandang Balita

May mga palatandaan na kapag ating nakita ay nangangahulugan na ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesucristo o ang "wakas ng lupa" ay malapit ng maganap. Ano ba ang mga palatandaan na ito ang ibinigay ng Panginoong Jesus na mga palatandaan na siya ay malapit ng muling pumarito o ang katapusan ng mundo (end of the earth)?

Mateo 24:6-8 "At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.
Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako.
Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan."

Ayon mismo sa Panginoong Jesucristo, magkakaroon "ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan" at "magsisitindig ang bansa laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian" at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Tandaan na ayon sa ating Panginoong Jesus na "kapag nakita ninyo ang lahat ng ito, malalaman ninyong malapit na ang panahon ng pagparito niya." Kaya, ang mga ito ang mga palatandaan na nagpapahiwatig na panahon na ng "mga wakas ng lupa". Ang "mga wakas ng lupa" ay ang panahon na malapit na ang "wakas ng lupa".

Ang "digmaan" na binabanggit dito ng Panginoong Jesus ay ang "Unang Digmaang Pandaigdig" o FIRST WORLD WAR, sapagkat: (1) ang "digmaan" na ito ay isa sa mga palatandaan na nalalapit na ang muling pagparito ng Panginoong Jesus (samakatuwid, hindi ito ang mga digmaang naganap noong unang siglo, ikalawang siglo, ikatlong siglo at higit pa); at (2) ang "digmaan" na ito ay sinundan pa ng isa pang "digmaan" na inilarawan ng Panginoong Jesus na "bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian".

Ang Unang Digmaan Pandaigdig ay o First World War ay sumikab noong July 27, 1914:

"The first great campaign on the southeastern battle grounds of the Great War began on July 27, 1914, when the Austrian troops undertook their first invasion of Serbia." (Miller, Francis, Ed. The Story of the Great War, History of the European Warfrom Ofgicial Sources, Volume II, p. 923.)

Ang Iglesia ni Cristo ay nairehistro sa pamahalaan ng Pilipinas noong July 27, 1914. Ito ang opisyal na petsa na naitatag ang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas na nasa Malayong Silangan:

"Iglesia ni Cristo(Tagalog pronunciation: [ɪˈgleʃɐ ni ˈkɾisto] (English: Church of Christ; abbreviated as INC) is a Christian denomination religion that originated in the Philippines . . the official registration of the church with the Philippine government on July 27, 1914"
Source: wikipedia

kaya, ang paglitaw ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas noong July 27, 1914 ay ang katuparan ng hula ng Biblia tungkol sa paglitaw ng "ibang mga tupa" ng Panginoong Jesus, o ang muling paglitaw ng Iglesia ni Cristo.

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.