Sa ganang akin, wala akong ibang ipinagmamalaki kundi ang KRUS ng ating Panginoong Jesucristo. -Gal.6:14
Iyan po ang ipinagmamalaki ng mga kaanib sa TUNAY na Iglesiang TATAG ni Cristo. Ang ipagmamapuri ang KRUS ng Panginoong Jesus sapagkat dito naisakatuparan ang PAGTUBOS ng Diyos sa tao.
Syrian Catholic Church sa Bashra, Iraq (Larawan mula sa Looklex.com) |
Sa lahat po ng mga bahay dalanginan o Simbahan ng Iglesia ni Cristo sa buong mundo, nakaTAAS ang Krus ni Jesus bilang pagmamapuri sa kanyang pagliligtas sa tao. Maging sa lugar kung saan ang KRUS ay isang paanyaya sa kamatayan, ngunit hindi po natatakot ang mga tunay na Kristiano sapagkat ito ay pagsunod na rin sa ehemploy ni Apostol San Pablo sa Galacia 6:14.
ANG IPINAGMAMAPURI NG IGLESIA NI CRISTO®-1914
Ang INC™ po ni Felix Manalo na nag-aangkin din sa pangalang "Iglesia Ni Cristo®" ay HINDI po kayang maipagmamapuri ang KRUS ni Jesus.
Ayon sa paliwanag ng isang Ministro ay ganito:
Ang KRUS ay HINDI DIYOS kaya't HINDI ito dapat sambahin.
Gamit ang kanilang sariling pananalita, lalong wala rin namang MALINAW na BINANGGIT sa Biblia na magkakaroon ng FELIX MANALO na magsasakatuparan sa hula. Wala ring banggit sa Biblia na ang tunay na Iglesia ay matatalikod. At wala ring nakasulat sa Biblia na ang Pilipinas ay ang tinutukoy Isaiah 41. At walang walang binanggit sa Biblia na MAGKAKAROON NG BIBLIA o magrehistro ng samahang "Iglesia Ni Cristo"?
Narito ang bagay na IPINAGMAMAPURI ng mga kaanib ng INC™. Na halos ito na rin ang sinasamba nilang simbulo ng kanilang samahan.
MGA PERSONALIDAD, LARAWAN AT SIMBULO NA DINADAKILA NG MGA KAANIB NG INC™!
1. ANG TATLONG MANALO: Felix Y. Manalo (FYM Tagapagtatag), Eraño G. Manalo (EGM), at si Eduardo V. Manalo (EVM).
2. ANG KANILANG MGA TEMPLO o bahay sambahan!
3. ANG KANILANG OFFICIAL LOGO!
4. ANG KANILANG BANDILA
5. "I AM ONE WITH EVM"
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.