Pages

Tuesday, June 28, 2016

Evangelical Mission ng INC™ sa Pasig (Sports Arena), Mga Katolikong Artista ang Nagpasaya

Kasal ni G at Gng Vic & Pauleen Sotto sa St. James the Great Parish sa Alabang. (Larawan mula sa Rappler)
Mga Katoliko na naman ang inimbitahang magpasaya sa pagtitipon ng mga kaanib ng INC™ ni Felix Manalo noong nakaraang Martes ng hapon sa Pasig Sports Arena na dinaluhan ng halos 7,000 katao. Kabilang sa mga naimbitahang Katolikong artista ay ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ayon sa CNN Philippines.

Matatandaan na sa kanilang mga Anibersaryo, Katolikong artista pa rin ang kanilang kinukuhang entertainer sapagkat iilan lamang ang mga kaanib ng INC™ na artista tulad nina Snooky Serna (na isang convert lamang ayon sa GMA News) at ni Gladys Reyes na halos nalalaos na rin sa kasikatan.

Maging ang kanilang FELIX MANALO movie ay tadtad ng mga Katoliko, hindi para maniwala sa kanilang doktrina kundi para lamang sa malaking Talent Fee na binayad sa kanila (basahin ang PhilStar).

"Papel ni Pilar Manalo-Danao, panganay na anak ni Felix Manalo, ang founder ng Iglesia ni Cristo, ang papel na ginagampanan ni Snooky sa pelikula."

Si Dennis Trillo, gumanap na tagapagtatag ng Iglesia Ni Cristo® (Felix Manalo) ay hindi kaanib ng Iglesia Ni Cristo® (ayon sa Rappler) kaya't hindi rin siya naniniwala na si Felix Manalo nga ay ang "Huling Sugo" sa mga "wakas ng lupa."

Ayon sa aktor, nahirapan daw siyang gampanan ang role ni Felix Manalo bilang taga-pagtatag ng INC™ sapagkat wala raw pong recorded na video kundi audio lamang daw ang kanyang kasangkapan, at sa tulong na rin ng mga Ministro ng INC™ kaya't nagagawa raw niya ang role ayon sa dikta ng mga ministro (basahin ang Rappler).

Si Joel Lamangan, direktor ng nasabing pelikula, ay isang kaanib ng Masonry, ang pinag-ugatan ng samahang INC™ ayon sa kanilang opisyal na logo.

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.