Pages

Monday, May 30, 2016

Panibagong Pahirap sa Ina at Kapatid ni Eduardo V. Manalo, Punong Tagapangasiwa ng Iglesia Ni Cristo® - 1914

"No water, no electricity – and now, even sewage water is flooding the residence of the estranged siblings of Iglesia ni Cristo (INC) executive minister Eduardo Manalo."

Iyan po ang ulat ng Rappler sa panibagong hamon sa pamilya ni Eduardo V. Manalo matapos na sila ay itiwalag.

Ayon sa mga kapatid ni Eduardo V. Manalo, ang mga pagsubok na ito ay hindi na bago mula nang ITAKWIL at ITIWALAG sila MISMO ng kanilang KADUGO sa AMA at ANGKAN (daw ng SUGO).

Ano kaya ang maramdaman ng mga kaanib ng INC™ kung sila mismo ay itakwil ng kanilang anak? Si Felix Manalo na kanilang tagapagtatag (at sugo raw) ay HINDI man lang niya itinakwil ang kanyang ina sa kabila ng pagiging debotong Katoliko nito. 

Sa katunayan, HINANGO pa ni Felix ang apelyido ng ina upang maipakita ang kanyang PAGSINTA sa kanya. Itong si EVM naman ay kabaligtaran. Hindi niya matanggap na ang kanyang ina (Tenny) ay mapagsabihan siya sa di umano ay MAANUMALYANG PAGGAWA sa PHILIPPINE ARENA na halos ikabaon sa utang ng kanilang samahan ayon na rin sa pagsisiwalat ng nagngangalang Antonio Ebangelista.

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.