Pages

Sunday, May 29, 2016

MAKASANLIBUTANG NGA BA ANG INC™ 1914?

Kaya pala PILIT SUNGKITIN ng INC™ (Iglesia Ni Cristo®) ang "GUINNESS RECORDS" sa "Largest Gospel Choir" ay sapagkat ito pala ay kasalukuyang pagmamay-ari ng "ANG DATING DAAN" ( Members Church of God International) ayon sa official site ng Guinness.

Noong nakaraang taon, ibinalita ng GMANews na ang Iglesia Ni Cristo® ang nagmamay-ari ng "The Largest Gospel Choir" na may 4,745 na mang-aawit. Ngunit sa sumunod na taon (2015) ay SINUNGKIT naman ito ng kanilang mortal na KATUNGGALI-- ang ANG DATING DAAN na may 8,688 na mang-aawit.

Nitong nakaraang araw (May 22, 2016), SINUBUKANG SUNGKITIN muli ng INC™ ang makasanlibutang katanyagan at naglipana ang maraming mga banners sa social media na nagpapahayag ng katanyagan (daw) ng INC™ dahil napasakanila na raw muli ang MAKASANLIBUTANG parangal mula sa Guinness, halimbawa nitong Tweet ng RECONNECT.


Sa PAGMAMADALING MASUNGKIT, ang RESULTA, HINDI PA PALA OFFICIAL ito.



HUWAG MAKASANLIBUTAN.

Heto ang malinaw na payo ng Panginoong Diyos sa kanyang mga taga-sunod mula sa MATEO 6:19-23:

"Huwag kayong mag-ipon para sa inyong sarili ng kayamanan dito sa lupa na kung saan maraming tanga at kalawang ang naninira. Nanakawin din ang mga ito ng mga magnanakaw. Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit dahil doon ay walang tanga at kalawang na sisira, at wala ring mga magnanakaw. Ito ay sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay naroroon din naman ang inyong puso.
"Ang mata ang ilawan ng katawan. Kaya nga, kapag malinaw ang iyong mata, mapupuno ng liwanag ang iyong buong katawan. Ngunit kapag masama ang iyong mata, mapupuno ng dilim ang iyong buong katawan."

Huwag daw tayong mag-ipon ng kayamanan (o katanyagan) sa lupa sapagkat SUSUNGKITIN din ito ng iba at magiging PALIGSAHAN na lamang ito ng kanilang mga EGO (yabang). Hindi po makalangit ang ganitong adhikain.

Ayon pa rin sa ating Panginoong Diyos na si Jesus sa MATEO 6:2,

"Kaya nga, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipag-ingay pa gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari. Naglilimos sila sa mga sinagoga at sa mga lansangan upang sila'y mapuri ng mga tao. Tandaan ninyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 3 Sa halip, kapag naglilimos ka, huwag mo nang ipaalam ito sa pinakamatalik mong kaibigan. 4 Gawin mong lihim ang iyong paglilimos at ang iyong Ama na nakakakita ng kabutihang ginagawa mo nang lihim ang siyang magbibigay ng gantimpala sa iyo."

Hindi raw tayo dapat MAG-INGAY kapag GUMAWA NG LIMOS tulad ng ginawa nila sa kanilang MEDICAL MISSION na kailangan pang GAMBALAIN ang buong bansa sa MATINDING TRAFFIC na dulot nito PARA LAMANG MAPAG-USAPAN.

Sa kabuuan, ang mga samahang MAKALANGIT ay makalangit din ang gawain. Ang mga iglesiang MAKASANLIBUTAN ay makasanlibutan din ang mga hangarin. At umaasang sa pamamagitan ng mga papuring makasanlibutan ay maipahahayag nila ang kanilang makalupang mithiin.


No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.