Pages

Monday, May 23, 2016

BAKIT TINATAWAG NA PADRE O 'FATHER' ANG ATING MGA PARI?

Veritas846.ph
May 21 at 1:45pm ·


Tinatawag natin ang mga pari na ama o “father” dahil tinuturing natin silang mga espiritwal na ama. Ito ay naging kaugalian ng mga apostoles, tinatawag nila ang kanilang mga kawan bilang mga anak. Ang kaugalian na ito ay naipamana sa atin hanggang sa ngayon.

Makikita natin ang mga ito hango sa mga sulat ni Pedro at Pablo:

(1 Corinto 4:15) “Kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio”

(Filemon 1:10) “Ipinamamanhik ko sa iyo ang aking anak, na aking ipinanganak sa aking mga tanikala, si Onesimo.”

(1 Tesalonica 2:11) “Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa't isa sa inyo, na gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo'y inaaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo”

(Galacia 4:19) “Maliliit kong mga anak, na muli kong ipinagdaramdam sa panganganak hanggang si Cristo ay mabadha sa inyo.!”

(1 Pedro 5:13) “Binabati kayo ng nasa Babilonia, na kasamang hinirang; at ni Marcos na aking anak..”

Ibinahagi ni Br. Reginald Zamora, O.P.

May mga tanong ka pa ba sa Pananampalatayang Katoliko na gusto mo ng kasagutan? Abangan ang Catholink "Your Catholic Info Hub!" ‪#‎35daystoGo‬ ‪#‎Veritas846‬

FB : veritas846.ph
Twitter: @Kapanalig
Web: veritas846.ph

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.