Ang Philippine Arena ng mga Iglesia Ni Cristo® na tatag ni Felix Manalo noong 1914 (Mula sa TodaysTrending) |
Maugong ngayon ang kwentuhan sa social media mula sa mga kaanib ng Iglesiang tatag ni Felix Manalo noong 1914 na babasbasan daw ni Eduardo V. Manalo (EVM) si Rodrigo Duterte sa pagka-Pangulo. Ito ay ayon sa TodaysTrending.
Hindi rin naman kataka-taka kung susuportahan ng INC™ si Duterte sa May Elections dahil sa mga sumusunod na posibleng kadahilanan:
- Halos si Duterte ang nangunguna sa mga surveys (gawain na ng INC™ ang nag-e-endorso ayon sa surveys para kapag nanalo ay sasabihin nilang Bloc Voting ang nagpanalo sa isang kandidato).
- Matapang si Duterte. Kahit ang Santo Papa, kaya niyang murahin (Pope, p**** i** umuwi ka na..."). Alam naman ng lahat na kahit kailan hinding-hindi sumasang-ayon ang Iglesia ni Manalo sa Santo Papa ng Iglesia ni Cristo - ang Iglesia Katolika.
- Sa tapang ni Duterten wala siyang kaabug-abog na tawaging "DUMB" o bobo ang mga Obispo ng CBCP dahil sa kanyang reaction ng mga Obispo sa kanyang "Rape Joke".
- Kayang pag-away awayin at paghati-hatiin ni Rody Duterte ang mga Katoliko. Hindi tulad sa INC™ ni Manalo na kapag sinabi ng Executive Minister na si ganito ang iboboto, wala na silang salita. Sa Bloc Voting, para sa kanila ay isang religious duties. Ngunit medyo malabo pa ang Bloc Voting sapagkat hati-hati na rin ang mga kaanib nila matapos na itiwalag ni Eduardo V. Manalo ang kanyang sariling ina at kapatid.
Ang pagkakaroon ng isang matapang na lider na kayang banggain ang Iglesia Katolika ay isang kahali-halinang factor para makatawag-pansin sa pamunuan nito ang paggawad ng basbas kay Rodrigo Duterte para sa pagka-Pangulo ng Pilipinas.
Hindi pa naman ito opisyal ngunit nakakatuwang bantayan baka sakaling tumama ang ating hula.
non sense ang sinasabi mo.panget ng blog mo.di mo alam ang proper format ng blog para ka lang nagcocomment sa fb.oh ayan ha may comment kna sa blog mo sa wakas.i pittty you
ReplyDelete"Non sense" pero affected ka. Meaning MAY SENSE. Salamat sa pagbisita sa TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO!
ReplyDelete