Pages

Monday, August 31, 2015

Babagsak na nga ba ang Iglesia Ni Cristo® na tatag ni Felix Manalo?

Matindi ang ginawang perwisyo ng mga kaanib ng INC™ na tatag ni Felix Manalo nitong mga nakaraang mga araw.  Daglian ang mga pangyayari.

Buwang ng Abril, nagsimulang maglahad ng mga anumalya ang isang kaanib ng INC™ sa pangalang Antonio Ebangelista sa kanyang blog na pinamagatang "Iglesia Ni Cristo Silent No More" (http://iglesianicristosilentnomore.wordpress.com).

Maraming naniwala kay Antonio Ebangelista, ngunit sila'y ITINIWALAG agad agad ng walang pagdinig.  Ang ilan ay natakot. Ayaw nang magsalita o magkomento.  Ang ilan ay gumawa ng mga fake accounts para lamang ituloy ang laban na inumpisahan ni Antonio Ebangelista.

Habang namamayagpag ng mahigit 2 milyong hits na ang blog ni Antonio Ebangelista na naging sanhi ng pagbabangayan ng mga kaanib nila, ang Media ay nagbabasa na sa mga pangyayari. Di kalauna'y biglang nawala ito. Hinacked pala di umano ng ACTIV, isang grupo raw ng mga INC™ IT experts.

Hindi ito naging dahilan kay AE upang mawalan ng pag-asa kaya't gumawa ulit ng blog si Ka AE (http://incsilentnomore.wordpress.com). Lalong matunog ang usapin tungkol sa mga akusasyong maraming mga itniwalag na Ministro ang nawawala o kaya'y hindi alam kung sinong dumukot.

Hanggang pumotk sa YouTube ang panawagan ng Ka Tenny at ng Ka Angelo (ina at kapatid ng Ka Eduardo V. Manalo) na sila'y ginigipit na raw ng Sanggunian (Council of Advisers) sa pamilya ng namayapang Ka Eraño.




Naging hayagan na ngayon ang talamak na hidwaan at kabuktutan sa INC™ ni Manalo. Kaliwa't kanan ang akusasyon ng pagmamalabis ng mga Ministro nito, sa pangunguna ni Ka GLICERIO SANTOS JR. o mas kilala sa pangalang JUN SANTOS.

Nariyan di umano ang nakabili sila ng AirBus na eroplano (pero ibinenta pagkatapos na maisiwalat ang tunkol dito).

Nariyan di umano ang pagtitinda ng INC™ ng mga ari-arian at lupain. Ang malaking gastos na ginugugol sa Philippine Arena na hindi naman kumikita.

Nariyan di umano ang kaliwat-kanang tiwalagan.

At ang panghuli ay ang malawak na backlash ng mga kaanib sa kanilang abuluyan.

August 25, 2015, naghain ang isa sa mga itiniwalag na Ministro na si G. Isaias Samson Jr, asawa at anak, ng reklamo sa DOJ laban sa mga Sanggunian.



Ang ginawa raw ng Sanggunian, nagpakalat ng text, at sinabing huhulihin daw si Ka Eduardo etc. kaya't dumagsa ang mga INC™ sa DOJ sa Manila at di kalauna'y sa EDSA Shrine at Shaw Boulevard na IKINAINIS ng mamamayan!

At dahil sa ginawa ng INC ni Manalo sa lansangan, dumami ang nainis sa INC maging ang mga pulitiko na nagsubok sumipsip sa grupo ay nakatikim ng maanghang na katotohanan na HINDI na sila suportado ng netizens.

Kaya't ang tanong, babagsak na kaya ang INC ni Manalo? O kung sakaling maka-survive, mahihirapan silang muling bumangon sapagkat sirang-sira na sila sa mga Pilipino at sa buong mundo.

Ganyan ang Iglesiang tatag ng tao. Sa pera namumuhunan kaya't sa pera rin nahuhumaling at nahuhulog.

Balik na sa tunay na Iglesia ni Cristo, ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang tunay na Iglesia ni Cristo (Pasugo Abril 1966, p. 46).


No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.