Pages

Friday, April 24, 2015

Crackdown sa mga Ministro ng Iglesia Ni Cristo® sa pagsisiwalat ng malawakang katiwalian sa pangangasiwa nito

Babalang ni G. Antonio Ebangelio, isang Ministro ng INC™ ni Manalo, ukol sa malawakang katiwalian sa Iglesia Ni Cristo®!



Warning to Ministers


WARNING:
Sa lahat ng mga kasama po naming Ministro at Manggagawa sa lahat ng distrito sa buong mundo
Mga mahal na kapatid,
Nagpadala na ng sulat ang Sanggunian sa lahat ng mga Tagapangasiwa sa buong mundo at ganito po ang nilalaman ng tagubilin:
1. Magdalaw ang lahat ng mga tagapangasiwa sa mga sakop nilang Ministro at Manggagawa
2. Tiyaking pumasok sa loob ng bahay
3. I-inspect ang cellphone, laptop, desktop computers at iba pang gadgets
4. Tingnan kung may facebook account, instagram at twitter. 
5. Tingnan ang laman ng email at text messages
Ito po ang kanilang gagawin ngayon para mahuli si Antonio Ebangelista at ang mga kasama natin na tumutulong sa amin. Pagkatapos po ay isusunod ang mga maytungkulin at karaniwang mga kapatid. 
Sundin lamang po ninyo ang nauna na po naming ibinilin ukol sa pagiingat na dapat ninyong gawin upang manatili tayong ligtas sa kanilang panggigipit. 
Note: kung may gamit po kayong NET25 Sim ay huwag na po ninyong gamitin pa. 
Meron na pong ginagawang “counter-measures” ang ibang mga Distrito para mapigilan ang mga Ministro, Maytungkulin at mga kapatid na magbasa ng mga info sa social media at sa mga emails nila. May ilang Distrito na hindi binasa sa klase ang Tagubilin na ito upang masupresa ang mga Ministro at mawalan na ng pagkakataon na makapagtago ng ebidensya na sila ay tumitulong sa atin sa paghahangad na puksain ang katiwalian sa Sanggunian at sa kanilang mga Tagapangasiwa.
Patuloy po tayong lihim na magpanata tuwing alas-10 ng gabi upang gabayan at tulungan tayo ng Ama na makapanindigan laban sa mga katiwalian sa loob ng Iglesia. 
Ang inyong Kapatid kay Cristo,
Antonio Ebangelista
increportsforvem@gmail.com

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.