Pages

Tuesday, January 14, 2014

ALAM NIYO BA: San Ignatius ng Antioch - Unang nagbansag sa Iglesia ni Cristo bilang Iglesia Katolika

Alam niyo ba kung saan at kailan unang tinawag ng mga "Kristiano" ang mga taga-sunod ni Cristo? At alam niyo rin ba kung saan at kailan naman tinawag ng "Katolika" ang iglesiang itinatag ng Panginoong Hesus?

Ito ay matatagpuan sa Mga Gawa 11:26. Unang tinawag na Kristiano ang mga taga-sunod ni Cristo sa Antioch.

Sa katunayan, hindi naman Kritiano ang katawagan sa mga taga-sunod ni Cristo noon. Nagpakilala ang mga unang taga-sunod ni Cristo bilang mga  "disipulo" o mga "estudyante [source: Catholic.com].

Di kalauna'y maraming mga "Kristiano" ang humiwalay sa tunay na katuruan ni Cristo at nagpapakilala ring mga Kristiano. Sila'y gumagamit din ng mga simbulo at ritual na ginagawa ng mga orihinal na mga taga-sunod ni Cristo.

Imahe ni San Ignatius na pinakain sa mga leon (wikipedia)
Kaya't ang mga salitang kataholos  ay lumitaw bilang pagpapakilala sa tunay na Iglesia.  Ang ibig sabihin ng salitang kataholos  ay kabuuan o pangkalahatan sa wikang Griego. Ang kaisipang ito ay hango sa pangkalahatang paniniwala at pananampalatayang maiuugnay sa buong Kristianismo bilang pangkalahatan, taliwas sa mga "Kristiano" raw ngunit may gawaing hindi naman sinasamapalatayanan ng pangkalahatang Kristianismo.  Sa kalauna'y ang kataholoscame ay naging kahulugan ng Ingles na salitang "Catholic".

Sa pamamagitan po ni San Ignatius sa Antioch taong 110 AD din po nagmula ang katawagang "Katoliko" bilang katawagan sa tunay na Iglesia.

Sa mga nagsasabing imbento lamang ni San Ignatius ang mga salitang "Katoliko" o sa mga kaanib ng INC ni Manalo, hindi po bagong salita para sa mga tao noon ang katagang "Katoliko" o "Katolika".  Pinapatunayan lamang ni San Ignatius na ang katawagan ng Iglesia bilang Katolika ay katanggap-tanggap na sa kanyang kapanahunan.

At bago pa man sabihin ng mga kumakalaban sa Santa Iglesia ang kredibilidad ni San Ignatius, ating alamin kung sino ba si San Ignatius.

Ayon sa Wikipedia, si San Ignatius ay isa sa mga tinatawag na "Apostolic Fathers". Siya ay ang Obispo ng Antioch noong panahon kapalid ni Apostol San Pedro na noo'y namatay sa Roma taong 64 AD.  Disipulo po siya ni Apostol San Juan kaya't ang kanyang pananampalataya ay mas orig kumpara sa mga kaanib ng INC ni Manalo na pilit sinisira ang kanyang kredibilidad.

Sa kabuuan:

Saan unang tinawag na Kristiano ang mga taga-sunod ni Cristo? Sa ANTIOCH
Saan unang tinawag ng Katolika ang Iglesiang tatag ni Cristo? Sa ANTIOCH

Dagdag-kaalaman:
Saan kilala ang Iglesia Katolika bilang iglesia ni Cristo?  Sa ROMA (Sulat ni Apostol San Pablo sa mga Kristiano sa Roma 16:16 at ngayo'y mas kilala sa The Roman Catholic Church]

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.