Pagdiriwang ng Misa para sa Uganda Martyr's Day. [Larawan mula sa Facebook page ng Holy Family Basilica] |
Alam niyo bang ang tunay na Iglesia ay ang Iglesia Katolika lamang? At alam niyo rin bang HINDI TOTOONG natalikod ito?
Narito ang patunay mula mismo sa opisyal na magasing Pasugo ng samahang tatag ni Felix Manalo-- ang INC™-1914
PASUGO July August 1988 pp. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”
PASUGO Mayo 1968, p. 5:
"Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man."
PASUGO Hunyo 1940, p. 27:
"Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
Narito naman ang pagbubnyag ng yumaing EraƱo Manalo tungkol dito.
"...ang Dios pagod na pagod ng katatatag, talikod naman ng talikod ang tao"
Kaya't lumalabas na si Felix Manalo at mga Protestante ang TUMALIKOD sa Iglesia-- HINDI ang Iglesia ang tumalikod sa kanila.
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.