Alam niyo ba kung anong gusali itong larawan sa itaas?
Ito ang Central Office ng samahang Iglesia Ni Cristo® o mas kilala sa shortcut na INC™. Itinatag po ito ni Feilx Manalo noong 1913 at pinarehistro noong Hulyo 27, 1914-- isang dating Katoliko, naging Protestante, Ateista, Agnostic hanggang sa napag-isipan niyang magtayo ng kanyang sariling samahan at pinarehistro niya bilang 'Corporation Sole' na siyang tagapagtatag at may-ari ng buong samahang ito.
Alam niyo ba kung sino ang nagdisenyo sa magarang gusaling ito? Wala pong iba kundi isang dalubhasa at kilalang Architech na Katoliko-- siya si G. CARLOS A. SANTOS-VIOLA.
Carlos A. Santos-Viola |
Bagamat maraming beses nang hinikayat na umanib sa samahan ni Felix Manalo sa INC™ ngunit magalang na tumanggi ito at nanatiling isang debotong Katoliko at matagal nanilbihan sa Our Lady of Lourdes Parish sa Lungsod Quezon ayon sa Wikipedia.
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.