Patriarch Beshara al-Rahi (Source: DailyStar Lebanon) |
Bumisita kahapon ang kanyang kabunyian Maronite Patriarch Patriarch Beshara al-Rahi sa Estado ng Qatar, isang Muslim na bansa.
Sa kanyang pakikipagpulong sa pinakamataas na pinuno ng Qatar na si Emir Sheikh Hamad bin Khalifa al-Thani, nagpasalamat ang butihin Patriarka sa Estado ng Qatar dahil sa kanilang puspusang pagtatangkilik sa kapayapaan sa buong Gulf State.
Nakipagpulong din ang butihin Patiyarka kay Prime Minister at Foreign Minister Sheikh Hamad bin Jassim al-Thani.
“There are almost 70,000 Lebanese in Doha, and we thank the state of Qatar for welcoming them and allowing them to live in dignity,” sa kanyang homilya sa Misa na ginanap sa Church of Our Lady of Rosary sa Doha, Qatar.
Ang butihing Patriarka ay nauna nang nakipagpulong kay Haring Abdullah ng Jordan noong nakaraang araw ng Linggo. Pinuri niya ang dakilang hari sa kanyang pagtatalaga ng kapayapaan sa kanyang kaharian. Isa si Haring Abdullah sa mga hinahangahang hari sa buong Middle East.
No comments:
Post a Comment
Comments are posted only when you properly identify yourselves.