Pages

Wednesday, February 29, 2012

Marso: Panalangin para sa mga kababaihan at mga Kristianong inuusig dahil sa kanilang pananampalataya

Makakabili ng aklat RITO
VATICAN CITY - Ngayong buwan ng Marso, makiisa tayo sa panalangin ng banal na Papa Benito para sa mga kababaihan, lalong lalo na ang mga kababaihang naging daan ng kaganapan ng buhay at pag-ibig sa ating mga lipunan.

Inaalala rin natin sa buwang ito ang lahat ng mga Kristiyanong inuusig dahil sa kanilang pananampalataya partikular ang mga Kristianong namumuhay sa pangkalahatang Asia lalong lalo na sa Gitnang Silangan kung saan ang mga Kristianong Arabe ay patuloy na nakakatanggap ng 'Second Class Status" mula sa lipunan ng Islam.

Sila ang mga Kristianong patuloy na namumuhay at sumasaksi sa pag-ibig ng Dios. Idalangin din natin lahat ang mga taong naging instrumento ng kanilang pag-uusig. Na sa pamamagitan ng ating mga panalangin ay maibsan nila ang takot bagkos manahan sa kanila ang banal na Espiritu upang bigyan sila ng lakas at tatag na ipahayag ang kanilang pananampalataya sa kabila ng panganib mula sa mga mapanupil na lipunan o kultura.

No comments:

Post a Comment

Comments are posted only when you properly identify yourselves.