Pages

Wednesday, May 21, 2014

Hari ng Bahrain dumalaw sa Santo Papa ng Iglesia ni Cristo

Dumalaw si Haring Hamad bin Isa Al Khalifa ng Bahrain sa Santo Papa noong Mayo 19, 2014. Ang Hari ng Bahrain ay nag-donate ng lupa para sa Catholic Community sa Bahrain at ang ginagawang parokya roon ay magiging pinakamalaking parokya sa buong Arabian peninsula.

Thursday, May 15, 2014

Papa ng Santa Iglesia: Ama ng bawat pananampalataya!

Nakatakdang dadalaw ang Santo Papa sa Gitnang Silangang ngayong darating na ika-24-26 ng Mayo, 2014.  Ang kanyang pagdalaw sa nasabing lugar ay isang makasaysayan sapagkat ayon sa Press Release ay hindi siya gagamit ng 'bullet proof' kundi ordinaryong sasakyan.

Nais ding makaniig ng Santo Papa ang mga taong nagnanais na makalapit sa kanya na siya naman ikinababahala ng mga Papal Swiss Guards na kanyang mga personal guards.

Upang makasiguro sa kanyang kaligtasan ay sasamahan siya ng isang mataas ng lider ng mga Muslim at isang Rabi ng mga Judyo. Patunay na ang Santo Papa ay sumisimbulo sa kanyang pagiging Papa (Ama) ng bawat pananampalataya sa mundong ito.  Hindi lamang siya kinikilala ng bawat Katoliko kundi maging mga di-Kristiano at mga di-Katoliko ay kumikilala sa kanyang tungkulin bilang ating lider at ama.

Si Papa Francisco ay dadalaw sa Jordan, Palestinian Territories at Israel.

Ipagdasal natin na ang kanyang kabanalan ay magdulot ng kapayapaan at kabanalan sa Gitnang Silangan at ang kanyang kaligtasan ay naaayon sa Dios.

Photo Source: NY Daily News
Workers print banners bearing a portrait of Pope Francis on May 14, 2014 at a printing house in the West Bank city of Ramallah. (Source: NY Daily News)