Pages

Sunday, May 27, 2012

PENTEKOSTES: Ang Pagkakatatag ng Iglesia ni Cristo

Ngayon ay ipinagdiriwang ng buong Santa Iglesia ni Cristo ang kanyang kaarawan -- ang Kapistahan ng Pentekostes o ang pagdating ng Banal na Espiritu Santo sa mga alagad at si Maria, Ina ni Jesus (Gawa 2:1-31).

Source: CatholicJules

Friday, May 25, 2012

Presidente ng Bulgaria at Prime Minister ng Macedonia dumalaw sa Vatican

Reuters: Mga Bulgarian Orthodox priests ay masayang naglalakas sa courtyard ng Vatican, habang dinadaanan nila ang mga Swiss Guards, bago ang pribadong pakikipagtagpo ng Santo Papa sa Presidente ng Bulgaria na si Rosen Plevneliev, May 24, 2012. (Photo Source: DailyLife)
Vatican City, 24 May 2012 (VIS) - Sa naging taunang kaugalian pagpupulong, ay tinanggap ng Santo Papa Benedicto XVI ang Presidente ng Bulgaria na si Rosen Plevneliev at ang Prime Minister ng Macedonia na si Nikola Gruevski. Tinanggap sila ng Vatican's Secretary of State na si Cardinal Tarcisio Bertone, SDB na sinamahan naman ni Arsobispo Dominique Mamberty, secretary ng Relations with States.

Ang nasabing pagdalaw ay nagkataon na kapistahan ni San Cyril at Methodius na naging kasangkapan ng Dios upang maging Kristiano ang malaking bahagi ng Europa.

Thursday, May 24, 2012

50 Taon Anibersaryo ng isang Obispo ng Iglesia: Isang Convert!

Masarap magbasa ng mga kwneto ng mga bagong kaanib ng Iglesia ni Cristo. Si Monsignor James Bridges, ang kauna-unahang inordenahang pari sa Diocese ng San Angelo ay magdiriwang ng kanyang ika-50 anibersaryo ng kanyang pagkapari.

Monsignor James Bridges

Si Monsignor James Bridges ay dating Methodist ay umanib sa Iglesia noong siya ay 22 taong gulang. Sa kanyang mga matatamis na alaala, sinariwa ng butihing Monsignor ang kanyang pag-anib sa Santa Iglesia. Si Rev. Vincent Daugintis, isang paring Katoliko ay naging kaibigan niya sa kanilang 'family business' at sa maraming pagkakataon na sila'y nagpapalitan ng kuru-kuro ay humantong sa usapang Katoliko laban sa Protestante.

Sa kanyang alaala, sinabi sa kanya ni Rev. Vincent Daugintis "Oh Jimmy, si Cristo ay hindi nag-iwan ng aklat. Nag-iwan siya ng salita.

Dahil sa sagot ng pari, nagkaroon si Monsignor James ng pagka-uhaw sa katotohanan. At ang katotohanang ito ay nasumpungan niya sa Iglesiang tunay na tatag ni Cristo.

Ituloy ang pagbabara rito

Monday, May 21, 2012

Papa, nanawagan sa Tsina na maging tapat sa Iglesia ni Cristo

Vatican City (AsiaNews) - Sa kanyang panalangin ng Oegina Caeli kahapon, si Papa Benedicto XVI ay nanalangin para sa mga kaanib ng Iglesia sa Tsina. Matatandaan na ang mga Instsik na kaanib ng Iglesia ni Cristo ay nagdiriwang ng kapistahan ng "Mary Help of Christians ng may taimtim na debosyon sa Mahal na Ina.

Ang nasabing debosyon ay ipinagdiriwang sa Shrine ng Sheshan sa Shanghai.

Mary, Virgin most faithful, support the path of Chinese Catholics, render their prayer them ever more intense and precious in the eyes of the Lord, and advance the affection and the participation of the universal Church in the journey of the Church in China", panalangin ng Santo Papa.

Dalangin din ng Santo Papa na ang sa pamamagitan ng kanilang kababaang loob ay maikalat ang kagalakan sa Muling Nabuhay na Panginoon at maging tapat sa kanyang Iglesia at ang kahalili ni San Pedro at mamuhay ng may pakikiisa sa pananampalatayang ating isinasabuhay bilang mga Kristianong Katoliko.

Binati rin ng Santo Papa ang may 20 libong tao sa St. Peter's Square at sa mga "libong miyembro ng Italian Movement for Life"