Pages

Wednesday, July 27, 2011

97 Taon ng Panlilinlang at Pagyurak sa tunay na Iglesia ni Cristo - ang Iglesia Katolika

Source: Wikipedia
Ngayong araw ay isang malaking pagdirawang ang nagaganap sa bansang Pilipinas. Itinalaga ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang natatanging araw na ito ng Hunyo 27, 1914 sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa RA 9645 o mas kilala sa pangalang “Iglesia ni Cristo Day” para ipagdiwang ng mga kaanib ng INC ang kanilang anibersaryo ng pagkakatatag.

Ano ba ang Iglesia ni Cristo? At bakit malaki ang impluwensiya nito sa mga pulitiko? Bakit ginawaran ang kanilang pagdiriwang bilang isang “National Holiday”?

Ang Iglesia ni Cristo or INC ay isang sekta o kultong itinatag ng yumaong Felix Y. Manalo—binyagang Katoliko at dating kaanib ng iba’t-ibang mga sektang Protestante, naging “Pastor” at “Ministro” ng mga ito bago niya itinatag ang kanyang sariling samahang “Iglesia ni Cristo.”

Isa sa mga itinuturong aral ay ang “kaisahan” ng INC sa pagboto tuwing sumapit ang “Election Day” sa Pilipinas. Ayon sa kanilang katuruan, ang pagkakaisa raw ng INC ay makikita kahit sa larangan ng politika kaya’t para sa mga ganid ang laman sa kapangyarihan, ang mga politiko ay nangangarandapang makausap ang sinumang nakaupong angkan ng mga Manalo sa Central Office nito sa may Diliman, Quezon City. Ayon sa sabi-sabi sila raw ay umaabot sa 2-3 milyong kaanib na maaaring magluklok ng isang kandidato sa pwesto. Ngunit sa resulta, lumalabas ang kabaliktaran.

Ayon sa paniniwala ng mga INC, ang Iglesia ni Cristo raw na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ay si Cristo ang nagtatag at hindi si Felix Manalo. Sa larangan ng pukpukan sa debate, sa mga internet forums at sa mga blogs na gawa ng mga kaanib ng INC, ito’y kanilang sinasabi ng walang kaabog-abog ng buong pagmamalaki. Maging ang kanilang opisyal na magasing PASUGO, ito’y kanilang lakas-loob na pinagyayabang.

PASUGO Enero 1964, p. 6:
“Sino ang tunay na nagtayo ng Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914? Hindi ang kapatid na si Manalo kundi ang Dios at si Cristo."
Totoo kayang si Cristo Hesus ang nagtatag ng INC na lumitaw sa Pilipinas noong 1914?

Tuesday, July 19, 2011

IPAGTANGGOL ANG SANTA IGLESIA

Opisyal na Logo ng samahang Iglesia ni Cristo ni Felix Manalo
Nakakalungkot na sa panahon ngayon, marami pa rin ang mga nagsasabing mga “Kristiano” raw sila ngunit makikitang nagsasaya sa mga balitang sinapit ng mga tiwaling paring Katoliko.

Mula taong 2000 nagsimulang nagsulputang parang kabute ang mga balitang may iilang mga paring Katoliko ang inireklamong nagsamantala sa ating mga kabataan. At ang ilan ay napatunayan sa korte.

Nakakalungkot at nakakainis nga naman. Kaya’t nararapat lamang na may hustisya sa mga biktima ng pananamantala sa mga kabataan. At dahil dito, maraming mga parokya sa Estados Unidos ang tuluyang nalugmok sa pagkakautang. Ang ilan sa mga biktima ay ginawaran ng malaking salapi bilang kabayaran sa kanilang mga pagdurusa.