Saturday, November 4, 2017

Sagot ni Bro. Duane kay Jose Ventilacion Di Umano sa mali-maling Greek Grammar (daw)

SAGOT SA KOMENTO NI JOSE VENTILACION NA DI UMANO AY MALI MALI ANG GREEK GRAMMAR KO DURING THE DEBATE

Komokomento at binabanatan ako ng di umano'y nag-aral ng biblical languages sa harvard university at kinikilalang magaling sa biblical languages na si Jose Ventilacion ng mga INC members.

Ito ngayon ang sagot ko sa comment ni Ventilacion against sa akin.

Una, yung argument ko sa Greek ay sinasang-ayunan ni Dr. Eugene Ulrich, mentor ko sa Biblical languages at ng iba ko pang mga mentors na mga Professors din sa Biblical Languages e yung argument mo na nagfunction na adjective ang word na "theos" sa 3rd clause ng John 1:1 sinong Professor mo sa Harvard University ang sumasang-ayon dyan? I challenge you to show me their testimonies na sinasang-ayunan ng mga Professors mo ang arguments at mga grammar mo sa Biblical languages lalo na ang interpretation mo na si Felix Manalo ang Bird of Prey sa Isaiah 46:11.

Tanungin mo nga si Dr. Saley na kasama mo sa picture na isa mga Professors sa Harvard University kung sumasang-ayon sya sa interpretation mo? Sigurado ako mapapakamot sa ulo si Dr. Saley dahil maling mali ang interpretation mo tungkol sa Isaiah 46:11.

Pangalawa, at least ang Grammar ng Greek ko ay ibinatay ko sa mga textbook na Going Deeper with New Testament Greek, Greek Grammar Beyond the Basics and A Manual Grammar of the Greek New Testament e yung mga grammar mo saang Greek Grammar Textbook mo pinulot?

Pangatlo, nakalimutan mo na yata ang isinagot mo kay Dr. James White noong tinatanong ka nya sa Grammar, ano nga ang isinagot mo sa kanya?, "We do not based our doctrine and teaching simply by means of grammar."

Kaya tigilan mo Mr. Ventilacion ang pagmamarunong mo sa Greek Grammar dahil lumalabas lang ang knowledge mo sa Greek kung ang mga kaharap mo ay hindi marunong.


No comments: