Wednesday, February 19, 2014

KIM YU-NA, Koreana! Katoliko! Olympian!



Nakakatuwang isipin na ang isa sa mga hinirang na kampion sa nakaraang Sochi Olympics 2014 sa Sochi, Russia ay walang iba kundi si KIM YU-NA ng Korea.

Si Ms. Yu-Na ay ipinalaking Katoliko ng kanyang mga magulang. At sa tuwing siya'y sumasali sa mga kumpetisyon sa larangan ng sports siya'y panandaliang nananalangin sa pamamagitan ng pag-ANTADA ng banal na KRUS.

Hindi siya katulad ni Manny Pacquiao na nagku-krus noon ngunit di kalauna'y nasilaw sa yaman at kapangyarihan at tinalikuran ang pananampalatayang nagpanalo sa kanya.

Ipagmalaki natin si Kim Yu-An na sana'y manatili siyang matatag sa kanyang pananampalatayang Katoliko at manatiling inspirasyon ng mga kabataas sa Korea at sa buong mundo.

Mabuhay ka Kim Yu-Na, ipinagmamalaki ka ng buong Santa Iglesia Katolika! Ang tunay na Iglesia ni Cristo!

No comments: